Angelica Panganiban opens up about rekindled friendship with ex-boyfriend John Lloyd Cruz

IMAGE Mark Atienza

Angelica Panganiban on considering ex-boyfriend John Lloyd Cruz as "the one': "Masyadong maaga o baka may mali akong masabi, di ba? Kaya mas magandang wala na muna akong sasabihin about that."


Tila may pag-asa pang muling maibalik ang magandang pagtitinginan sa pagitan ng dating magkasintahan na sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

Lalo pa’t spotted kamakailan ang ex-couple sa isang Filipino restaurant sa Rockwell, Makati City.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Huwebes, November 3, direkta naming hiningan ng reaksiyon si Angelica tungkol sa espekulasyong nagkakamabutihan ulit sila ni John Lloyd.

May pag-asa bang maging sila ulit?

Sagot ni Angelica, “Hindi ko alam. Siguro ang masasabi ko lang ay masaya ako ngayon. Masaya siya. Magkaibigan kami.”

Hindi man tuwirang masagot ng Kapamilya actress ang mangyayari sa hinaharap, naging bukas si Angelica sa pagsasabing nanumbalik ang magandang pagkakaibigan nila ni John Lloyd.

Kung ano man ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan, tila hindi hinayaan ng ex-couple na maging balakid ito upang sila ay magkaayos.

Paliwanag ni Angelica, “Alam nating lahat na halos imposible sa isang dalawang tao na nagkaroon ng relasyon ay maging magkaibigan in the end.

“But, siguro, isa ‘yan sa mga bagay na proud kami.

“Kahit gaano kahirap — may struggle siyempre nung umpisa kung paano ma-maintain yung friendship.

“Pero tulad nga ng sabi natin, nagmahalan kayo dati, bakit naman kailangan mauwi sa away?”

Nakapanayam ng PEP at ibang reporters si Angelica pagkatapos ng presscon ng The Unmarried Wife, na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN ngayong araw, November 3.

WORKING THINGS OUT? Dito ay nabanggit namin kay Angelica ang malamang pahayag ng kaibigan niyang si Glaiza de Castro tungkol sa nararamdaman ng Kapamilya actress para sa ex-boyfriend na si John Lloyd.

Sabi ni Glaiza, sa hiwalay na ulat ng PEP noong October 28, “Ganun kasi siyang klaseng tao, ganun siya magmahal, ganun siya ka-intense.

“Siguro nakita niya na rin dun sa person yung hinahanap niya, kaya siguro ipinaglalaban niya.”

Read: Glaiza de Castro hints at friend Angelica Panganiban's relationship status with John Lloyd Cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong naman ng PEP kay Angelica, nahanap na nga ba niya kay John Lloyd ang taong gusto niyang makasama habambuhay?

Maingat na sagot ng 29-year-old actress, “Ngayon, hindi ko siya masasagot.

“Masyadong maaga o baka may mali akong masabi, di ba? Kaya mas magandang wala na muna akong sasabihin about that.”

ON FIGHTING FOR LOVE. Aminado naman si Angelica na siya ang tipo na todo kung magmahal.

“Palagi ko naman sinasabi, e. Puwede ka naman magmahal nang wagas, hindi ba?

“Kahit pa one-way, two-way, may U-turn. Love ‘yan, e.

“Maganda kung ang buong mundo nagmamahalan lang — walang gender, walang religion involved. Dapat peace and love lang tayong lahat.

“Kasi sa tingin ko, iikot lang ang mundo kapag meron kang pagmamahal at respeto sa sarili mo at sa ibang tao.

“Hangga’t wala kang inaapakang ibang tao. So, I guess, ipagpatuloy mo ang gusto mong ipaglaban.”

Hanggang saan niya kayang ipaglaban ang taong mahal niya?

Pahayag ni Angelica, “Uhm… hindi ko alam.

“Hindi naman ako expert pagdating sa pagmamahal at sa relationship.

“Kaya hindi ko masasabi kung hanggang kailan ka dapat lumaban. Nasa sa ‘yo ‘yan.

“Pero sana huwag lang mawawala sa ‘yo yung respeto mo sa sarili mo at sa ibang tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN