PEP EXCLUSIVE. Kris Bernal speaks up about rumored network transfer: "I'm just considering options."

IMAGE Rommel Llanes

Kris Bernal admits talking to another network. However, she clarifies, "Basta my heart is with GMA and malaki ang utang ng loob ko sa kanila."


“I'm just considering options, that's all.”

Ito ang sagot ni Kris Bernal sa usap-usapang paglipat niya sa ABS-CBN, na pinakamatinding kalaban ng kanyang home network na GMA-7.

Diin ng grand winner ng Starstruck Season 4, “Nothing is definite yet. My contract is still under negotiations.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa shoot ng PEP Eats, kung saan ipi-feature ang bago niyang burger joint na Meat Kris sa Communeaty Food Hub, sa Roces Avenue, Quezon City, ngayong Huwebes ng hapon, November 3.

Inamin ng aktres na may pag-uusap nang nagaganap sa pagitan ng kanyang kampo at ng ABS-CBN.

Subalit giit ni Kris, “Hanggang ngayon po, pinag-uusapan pa namin [ng GMA] ang contract.

With my network, as in wala akong reklamo, wala akong sama ng loob or whatever.

Wala akong hinihingi, masaya ako sa GMA.”

Ayon sa ulat ni Gorgy Rula sa Pilipino Star Ngayon kamakailan, tapos na ang network contract ni Kris sa GMA-7 ngunit may existing contract pa siya sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network.

Sa ngayon, tikom muna ang bibig ng Kapuso actress tungkol sa usaping paglipat ng network.

As of the moment, I cannot answer that.

Basta my heart is with GMA and malaki ang utang ng loob ko sa kanila.

“I'm just considering options,” sabi ni Kris.

Nabanggit din ni Gorgy sa kanyang report na bukod sa ABS-CBN ay nakikipag-usap din daw si Kris sa Viva Artists Agency para i-manage ang kanyang showbiz career.

Sa sandaling panayam ng PEP kay Kris, nagpasalamat siya sa mga patuloy na sumusuporta at nagtatanggol sa kanya.

Aniya, “Thank you sa lahat ng nagtatanggol sa akin, ang tiyaga-tiyaga niyo.”

Para naman sa mga nagagalit dahil sa balitang paglipat niya, ito ang mensahe ni Kris: “Sa mga umaaway sa akin, wala pa naman, huwag niyo muna ako awayin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ten years na ako sa showbiz, siguro naman I can make my own decisions na rin.”

Ang huling teleserye na nilabasan ni Kris sa GMA Network ay ang Little Nanay, kung saan na-nominate siyang Teleserye Actress of the Year sa The PEP List Year 3. Noong March 2016 pa ito natapos.

Pagkatapos nito ay puro guest appearances na lang siya sa iba't ibang programa ng Kapuso network, gaya ng Karelasyon, Dear Uge, Maynila, at Magpakailanman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN