Who is Natasha Villaroman in Paulo Avelino's life?

IMAGE Mark Atienza / becci_great Instagram

Paulo Avelino is mum about rumor that he is dating Natasha Villaroman, who once appeared in an indie film and a TV commercial. The Kapamilya actor explains, "Ayoko lang pangunahan yung mga haka-haka o mga lumalabas na isyu. Siyempre, gusto rin nating lahat ng tahimik na buhay. Ayoko lang na may mga nadadamay at naaapektuhan. Baka maapektuhan sa hindi magandang paraan."


Nakorner ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo Avelino pagkatapos ng open forum sa presscon ng The Unmarried Wife ng Star Cinema kaninang tanghali, November 3.

Papasok na dapat ang Kapamilya actor sa loob ng isang room sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, kung saan ginanap ang presscon, nang tawagin namin siya dahil may gusto pa kaming itanong.

Pinagbigyan naman niya ang PEP at ilan pang press na humabol sa kanya for a short interview, kahit kailangan na niyang bumalik sa taping ng ginagawa niyang teleserye sa Kapamilya network.

Napapabalita kasing may bagong special girl sa buhay ng 28-anyos na Kapamilya actor.

Ang pangalan ng girl ay Natasha Villaroman.

Totoo nga ba na in love si Paulo ngayon?

“In love ako sa mga motor ko ngayon. Yun ang nagpapasaya sa akin ngayon!” natatawang sagot niya.

“I’M DATING…” Siyempre, girl ang tinutukoy naming bago niyang love.

Sino si Natasha Villaroman?

“Tasha? She’s a friend, and huwag na natin siyang idamay, please...” mabilis na iwas niya sa topic.

Pero lumalabas na ang mga larawan nila na magkasama sa mga showbiz blog at maging sa social media.

....no caption needed.! (what you see is what you get.) ??????????????????#28Oct2016 #PauloAvelino #NatashaVillaroman

A photo posted by Becci ?????????? (@becci_dgreat) on

Nababalita na ang tungkol sa kanila dahil napagkikita sila ni Tasha na madalas na magkasama.

Sabi ni Paulo, “Oh yeah, pero huwag na muna natin siyang idamay.

“Kasi, kawawa naman yung tao, wala siya sa industriya natin.

“At alam mo ‘yon? Baka maapektuhan din pati pamilya niya.”

Pero sila na ba ni Natasha?

“I’m dating, I’m dating. I’m currently... I’m dating. Yeah, that’s it,” nakangiting sagot ng Kapamilya actor, na tila nag-alangan pa sa sasabihin niya.

He is dating Natasha?

“I won’t give any specifics!” tawa niya.

In fairness ay mukha nga siyang in love ngayon.

“In love ako sa mga motor ko, matagal na. In love sa motor at sa trabaho,” hirit ulit sa amin ni Paulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAULO’S MOTORBIKES. Ang tinutukoy ni Paulo ay ang motorbikes na kinahihiligan niya ngayon.

Sa kanyang well-curated, black-and-white themed Instagram feed ay makikita ang nasabing mga motor.

KTM, isang Austrian motorcycle brand ang pag-aaring motor ni Paulo.

Nung nakaraang Star Magic Ball ay German brand naman ang gamit ng aktor, isang BMW Motorrad.

Alam niyang uso ngayon sa showbiz ang motorbikes at maraming celebrities ang nahihilig dito, kabilang na ang The Unmarried Wife co-star niyang si Dingdong Dantes.

Ayon kay Paulo, intense rider na si Dingdong.

Siya raw ay hindi naman kumakarera gaya ng Kapuso actor, pero parang gusto niyang kumuha ng proper training just for safety purposes.

Iwas-trapik din daw kasi ang pagmomotor sa Metro Manila.

DATING GAME. Normal lang naman ang makipag-date para sa isang single na katulad niya, di ba?

“You know, it’s nice to see people also. It makes you realize na malaki ang mundo,” nakangiting pakli ng aktor.

Kailan ba siya huling nakipag-date?

“Hindi ko maalala, pero dumating yung motor ko, mga May.

“So, mga May na ako napapasaya ng motor ko,” pa-safe niyang sagot, na parang pilit binabaling sa motor ang usapan.

Seriously, this time ba ay mas gusto niyang sikreto na lang ang private life niya?

Tugon ni Paulo, “Parang hindi ko nga alam kung mangyayari pa ‘yon sa buhay ko ngayon, e.

“Pero... alam mo ‘yon? Ayoko lang pangunahan yung mga haka-haka o mga lumalabas na isyu.

“Siyempre, gusto rin nating lahat ng tahimik na buhay.

“Ayoko lang na may mga nadadamay at naaapektuhan.

“Baka maapektuhan sa hindi magandang paraan.”

Maapektuhan ang alin? Ang binubuo niyang relasyon?

“Hindi naman binubuong relasyon. In general!” natatawa pang hirit ng aktor na mula pa noon ay mailap na tungkol sa kanyang love life.

WHO IS NATASHA VILLAROMAN? Base sa mga napag-alaman namin ay La Salle graduate si Natasha Villaroman, na galing sa isang kilalang pamilya mula sa Surigao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging commercial model din si Tasha (Olay girl) at ngayon ay isang businesswoman/entrepreneur.

Minsan na ring nag-showbiz si Natasha na nakasama sa indie film na Island Dreams (2013), na pinagbidahan ni Louise de los Reyes at idinirek nina Gino Santos at Aloy Adlawan.

Napag-alaman din ng PEP na ang ina ni Natasha ay si Jade Ecleo-Villaroman, dating governor at vice governor ng Dinagat Islands.

Sa mga kumakalat na pictures nila sa social media ay naipakilala na ni Paulo si Tasha sa biker friends niya.

#PauloAvelino #NatashaVillaroman #Bikers With friends

A photo posted by bel (@bhelm_2015) on

Mayroon din silang kuha na nagha-hangout sila with Jericho Rosales and some other friends.

peace daw.! hehehe.. hi Echo.! #JerichoRosales #PauloAvelino #NatashaVillaroman #Tambike

A photo posted by Becci ?????????? (@becci_dgreat) on

Base sa latest pics nila ay na-meet na ni Paulo ang family ni Natasha, kaya lalong umingay ang usap-usapang may relasyon na ang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN