Angelica Panganiban on friendship with Marian Rivera: "Baliw kasi. Parehas kami."

IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

Angelica Panganiban on Marian Rivera's promise to visit her: "Sabi niya nung first day ng shooting, 'Bakla, dadalaw ako diyan!' Isasama raw niya yung anak [niya]... Ay, day! Tapos na kami, wala, hindi ko nakita [si Marian]."


“Echosera yun, e!”

Ito ang pabirong pahayag ni Angelica Panganiban patungkol sa kaibigan niyang si Marian Rivera.

Kaugnay raw ito ng pangako ng Kapuso Primetime Queen na bumisita sa set ng pelikula nina Angelica at Dingdong Dantes para sa Star Cinema, ang The Unmarried Wife.

Natatawang kuwento ni Angelica, “Sabi niya nung first day ng shooting, ‘Bakla, dadalaw ako diyan!’ Isasama raw niya yung anak [Baby Zia].

“Sabi ko, ‘O, magluto ka na rin, Mars.’ Sabi niya, ‘O, sure!’

“Ay, 'Day! Tapos na kami, wala, hindi ko nakita [si Marian]!”

Nakapanayam ng entertainment reporters si Angelica sa presscon ng The Unmarried Wife, na ginanap sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, Huwebes ng tanghali, November 3.

Naroon din sa presscon ang co-stars niyang sina Dingdong at Paulo Avelino.

Hirit ni Dingdong tungkol sa nakatakda sanang pagbisita ng misis niyang si Marian sa set ng naturang pelikula: “Buti pa siya [Angelica] alam niya. Ako, hindi ko alam.”

Agad namang nilinaw ni Angelica na may dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagbisita ni Marian sa set ng kanilang pelikula.

“Wala, tinext ko nga. Sabi ko, ‘Ano na, ‘te? Palaka?’ Sabi naman niya, e, busy daw.”

Balik-sagot ni Dingdong, hindi pa huli ang lahat para magkita sina Angelica at Marian dahil hindi pa raw tapos ang shooting ng pelikula.

Sabi ng Kapuso actor, “May dalawang araw pa naman, e.”

Patuloy ni Angelica, nananatili silang mabuting magkaibigan ni Marian ngayon sa kabila ng magkalabang networks ang kanilang pinagtatrabahuan.

Aniya, “Opo. Baliw kasi. Parehas kami. Yun ang mga gusto ko, e. I like her!”

Sa guest appearance ni Marian sa PEPtalk noong December 2014, matatandaang naikuwento ng Kapuso actress na madali niyang nakagaanan ng loob si Angelica.

Matatandaan ding isa si Angelica sa bisita sa bridal shower ni Marian noon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN