Imelda Schweighart blames 'lack of support' for Miss Earth loss

IMAGE Imelda Bautista Schweighart on Facebook

Imelda Schweighart lashes back at her critics: "People have no right talaga to trample all my hard work since no bad side of me can destroy that... I have a bad and a good side. Every person has that. Stop acting like lahat kayo si Princess Sarah."


Isinisi ni former Miss Philippines Earth Imelda Schweighart ang hindi niya pagkapasok sa Top 16 ng Miss Earth 2016 sa kakulangan ng suporta mula sa mga Filipino.

Pahayag ni Imelda sa Tonight With Boy Abunda kagabi, November 3, at naiulat din sa ABS-CBN News Online ngayong araw, November 4, “I think what went wrong is that I lack support.

“Nobody, like, assisted me.

“Emotionally I'm drained from all the work and from not being myself.

“You know, yung pagpipigil sa totoong ako, it's just too much for me.

“Parang I cannot be myself because you have to be this, you have to be that.”

Nabigong makapasok si Imelda sa Top 16 at matapos nito ay inakusahan pa niya ang nanalong Miss Earth 2016 na si Katherine Espin ng Ecuador na 'retokada' diumano.

Read: Miss PH Earth 2016 Imelda Schweighart takes a swipe at Miss Ecuador

Umani ng batikos mula sa netizens ang naging asal na ito ni Imelda, at nauwi ito sa kanyang resignation bilang Miss Philippines Earth.

Read: Imelda Schweighart resigns as Miss Philippines Earth

BAD EXAMPLE. Ipinaliwanag din ni Imelda ang kanyang desisyong tuluyan nang bumaba sa kanyang trono.

Saad niya, “I don't want to be a bad example.

“I think, you know, I carry the name of Miss Philippines Earth.

“Sa nag-viral na video na yun, sabi ko, 'Ang perception ko ng isang Miss Earth kasi is natural.'

“For me, natural beauty wins, personally, which is my right.”

Natatawa pa niyang dagdag, “I'm sorry. I know it was destined for her [Katherine Espin].

“I'm happy for her.

“That's bad, what is said there and it's not a good example, like, I'm the mother of haters.

“So I didn't want to be that — you know, encourage people to do the same."

Binuweltahan din ni Imelda ang kanyang mga kritiko at sinabi niyang walang karapatan ang mga ito na husgahan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Whatever you say, bumabalik lang din naman sa inyo.

“Kasi whatever comes out from your mouth, that's what you are. Mali yun, e.

“People have no right talaga to trample all my hard work since no bad side of me can destroy that... I have a bad and a good side.

“Every person has that. Stop acting like lahat kayo si Princess Sarah.”

Inanunsiyo na ng Carousel Productions, ang namamahala ng Miss Philippines Earth, na ang second runner-up na si Loren Mar Artajos ng Laoag City ang papalit sa nalalabing reign ni Imelda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN