Jay Manalo swears he has never done drugs

IMAGE Courtesy of GMA Network

Jay Manalo: "Hindi ko kailangang magpaliwanag sa buong mundo, sa buong Pilipinas, na never akong gumamit ng drugs. Bahala kayo kung anong isipin ninyo, basta ako mas kilala ko ang sarili ko."


Aware ang aktor na si Jay Manalo na marami ang nag-iisip na gumamit o gumagamit siya ng drugs dahil laking-Tondo siya, bukod pa sa bad boy ang image niya sa showbiz.

Pero ayon kay Jay, never pa siyang nakatikim ng droga.

“Hihiramin ko lang yung dialogue ni Presidente Duterte, ‘I hate drugs,’” sabi ni Jay nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters sa mini-presscon ng Celebrity Christmas Bazaar, na gaganapin sa November 12 and 13 at December 3 and 4 sa BF Homes Phase 1 Gym, Sucat, Paranaque.

Isa si Jay sa may booth dito.

Kahit tikim ng drugs, hindi niya nagawa?

“Never,” sagot ng aktor.

“May mga friends ako na ganoon [gumagamit ng drugs], mostly sa Tondo.

“Malaki ang respeto sa akin ng mga 'yan, never nila akong inalok.”

Takot ba sila sa kanya?

Ayon kay Jay, “Hindi, respeto. Yun ang tinatawag na respeto.

“Sa tingin ko nga, yung mga tinatawag pa nilang batang lansangan, yun pa yung marunong rumespeto.

“Pero yung ibang mga nakatrabaho kong artista, hindi ko na lang pangangalanan, sila pa yung nag-aalok sa akin.

“Pero tumatanggi ako. Hindi nila alam na hindi ako ganoon.”

SAY NO TO DRUGS. Ikinuwento pa ni Jay ang isang insidente kung saan inalok siya ng drugs ng kapwa niya artista.

“One time nasa taping ako, nagyoyosi ako... late na nga akong nag-start manigarilyo, thirty years old na ako.

“May nag-alok sa akin, marijuana lang naman.

“Sabi ko, 'Hindi, nagyoyosi na ako, baka mamaya ubuhin na ako.'

“Yung hindi mo siya tatanggihan na sasama ang loob niya.”

Para patunayang hindi talaga siyang gumamit ng drugs, willing magpa-drug test si Jay.

“Anytime, anywhere, any place, willing ako,” sambit niya.

Sa mga nag-iisip na gumagamit siya ng drugs, ito ang masasabi ni Jay:

“Hindi ko kailangang magpaliwanag sa buong mundo, sa buong Pilipinas, na never akong gumamit ng drugs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bahala kayo kung anong isipin ninyo, basta ako mas kilala ko ang sarili ko.”

PUSIT. Samantala, may natapos na indie film si Jay, ang Pusit, kung saan gumaganap siya bilang AIDS carrier.

Mula ito sa direksiyon ni Arlyn dela Cruz.

Ang pelikula ay possible entry sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

Wish ni Jay na mapili ng MMFF screening committee ang Pusit.

“Para rin sa producer namin, sa direktor namin siyempre na pinagtulung-tulungan naming gawin yun, pinaghirapan 'yan, hopefully makapasok.”

First time ni Jay na nakatrabaho si Direk Arlyn at puring-puri niya ito.

Saad niya, “Magaling siyang direktor, masarap siyang katrabaho, cool lang siya. Hindi showbiz na sagot 'yan, huh!

“Kung mayroon pa siyang ibang pelikula na gagawin, sana isama niya ulit ako.

“Bitin yung pakikipagtrabaho ko sa kanya kasi three days lang naming ginawa yung Pusit.”

Sa Pusit ay nakabihis at ayos-babae si Jay na first time niyang ginawa sa pelikula.

“Pinapili rin naman ako kung gusto ko raw ba yung closet gay ako o yung straight na gay talaga na naka-damit babae.

“Sabi ko, nagawa ko na for how many times yung closet gay.

“I think it's time for me to challenge myself into another different role.

“Kaya pinili ko na lang yung mag-damit babae ako.

“And I find it challenging.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN