Jodi Sta. Maria admits past drug use due to broken marriage

IMAGE Noel Orsal

Jodi Sta. Maria on going through dark stage in her life before renewing her faith in God: "Before becoming a workaholic, I became an alcoholic. I drank day and night. I even drank during tapings, ang gusto ko kasi masolusyunan yung feeling ko of pain and emptiness. When alcohol wasn't enough, I turned to drugs."


Inamin ni Jodi Sta. Maria na minsan siyang gumamit ng droga matapos nilang maghiwalay ng mister niyang si Pampi Lacson.

Pakiramdam daw noon ng Kapamilya actress ay hindi na siya makakabangon muli dahil isa na siyang “separada” o “segunda mano.”

Noong panahong iyon ay naging kanlungan daw niya ang iba’t ibang bisyo.

Base ito sa ulat ng Cebu Daily News ng Philippine Daily Inquirer noong Miyerkules, November 2.

Lahad ni Jodi, “Before becoming a workaholic, I became an alcoholic. I drank day and night.

“I even drank during tapings, ang gusto ko kasi masolusyunan yung feeling ko of pain and emptiness.

“When alcohol wasn’t enough, I turned to drugs.

“I felt empty. I pretended to be okay when the truth is hindi naman talaga.

“I was in and out of bad relationships that left me all the more wounded and broken.”

Lalo pa raw lumala ang kakulangang naramdaman ni Jodi noong kasagsagan ng annulment nila ni Pampi.

“My life was such a mess na hindi ko na alam kung saan ako magsisimula.

“I needed attention. I needed acknowledgment.

“It even showed in the relationship I had with him.

“No matter how unhealthy and abusive, I stayed in the relationship because it felt okay, may nagmamahal sa akin at may nakakapansin.”

Lingid daw sa kaalaman ng publiko, matindi ang kalungkutang pinagdaanan ni Jodi sa kabila ng kasikatang natamasa niya nang pagbidahan ang matagumpay na ABS-CBN daytime series na Be Careful With My Heart.

Ngunit nagbago raw ang pananaw niya sa buhay nang hikayatin siya ni Coney Reyes na dumalo ng church service ng Victory Christian Fellowship.

Ayon kay Jodi, apat na taon bago siya tuluyang nakumbinse ng beteranang aktres na magbalik-loob sa Diyos.

Taong 2014 daw nang sa wakas ay dumalo roon ang Kapamilya actress.

“Nahihiya na kasi ako, kasi ang tagal na niyang ini-invite ako. But there, dun ko nakilala ang Panginoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang 2011 nang unang inamin ng mister ni Jodi ni Pampi ang tungkol sa pinagdaanang pagsubok ng kanilang buhay mag-asawa.

Read: Jodi Sta. Maria chooses to keep silent after husband Pampi Lacson's revelation that their marriage is on the rocks

Sa ngayon, kapansin-kapansin na isa si Jodi sa mga artistang masipag magbahagi ng salita ng Diyos at ibang inspirational quotes sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 26, nabanggit ni Jodi masaya at kuntento siya sa piling ng anak na si Thirdy.

Pahayag niya, “Alam mo, I really can’t ask for anything more.

“I’m just so grateful with everything that God has blessed me with — Third and my family.

“So, parang just be grateful na lang.

“Gratitude is very important knowing that we don’t really deserve anything naman talaga.

“And then God chose to bless us with things that we don’t deserve.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN