Max Collins opens up about three-year relationship with Pancho Magno

IMAGE @maxcillins on Instagram

Now that Max Collins has finally confirmed her relationship with Pancho Magno, does it mean she is ready to settle down? "Hindi pa puwede… kailangan kong magtrabaho, kailangang mag-work. Gusto ko may marating muna sa career ko, bago ako magkaroon ng family."


Three years na pala ang relasyon nina Max Collins at Pancho Magno.

Pero bakit ngayon lang naging mas open ang magkasintahan?

Paliwanag ni Max, “Kasi parang ang tagal na ’tapos mahirap magsinungaling.”

Halimbawang biglang yayain ni Pancho si Max na magpakasal, handa na ba siya?

Tugon ng dalaga, “Ahmmm… I will say yes, sa tamang panahon.”

Paano kung ang tamang panahon para kay Pancho ay this year na?

Pakli ni Max, “Hindi pa puwede.”

Dahil?

“Dahil kailangan kong magtrabaho, kailangang mag-work.”

At kung sabihin man raw ni Pancho na siya na ang magtatrabaho para sa kanilang dalawa, hindi pa rin daw papayag si Max.

Aniya, “Ayoko, gusto ko rin na may ma-achieve ako sa buhay ko bago ako mag-settle down.

“Gusto ko may marating muna sa career ko, bago ako magkaroon ng family.”

Kailan kaya siya magiging handa na mag-asawa?

“Depende sa takbo ng career ko, like if I’m able to save enough in the long run, then baka puwede.

“But sana before I’m thirty, di ba?”

Twenty-four years old siya ngayon kaya parinig niya kay Pancho, “Kailangan niya akong hintayin,” at tumawa si Max.

Paano kung makakita si Pancho ng iba at hindi na siya nahintay?

“E, di huwag,” at muling tumawa ang Kapuso actress.

Ngayong Sabado, November 5, ay magkakasama sina Max at Pancho sa Magpakailanman, sa episode na “Sundalong Magiting: The Lt. Jerome Jacuba Story.”


HE IS IMPORTANT. Samantala, inamin rin ni Max na ipinagpaalam muna niya kay Pancho ang mga love scenes nila ngayon ni Tom Rodriguez sa teleseryeng Someone To Watch Over Me ng GMA-7.

Lahad niya, “Alam niya, nagpaalam ako.

“Kasi importante siya sa akin, ayokong mawala siya sa akin dahil lang sa work.

“Di ba sa Someone To Watch Over Me, ang pinakamahalaga sa buhay yung mga loved ones mo?

“So parang kung hindi mo sila bibigyan ng importansiya, then para saan pa lahat ito?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya sinabi kay Pancho?

“Walang choice kasi trabaho, e, di ba?

“So trabaho na ito yung gagawin, ito yung kukunan [na eksena], ganyan.”

Ano ang sagot ni Pancho?

“Sabi niya, ‘Kailangan ba talaga?’

“Sabi ko, ‘Oo, kasi iyon yung work.’

“Okay naman, understanding naman siya in the sense na, ‘Okay it’s your work.

“‘Kailangan mong gawin iyan, hindi puwedeng dayain 'yan, so okay, fine.’"

Ayon pa kay Max, ang love scene ang isa sa pinakamahirap na eksenang gawin bilang artista.

Sabi niya, “Sa totoo lang, iyon yung pinaka-awkward thing na puwede mong gawin.

“Example, kahit na gusto mo pa yung katrabaho mo, it’s so awkward kasi ang daming nakatingin.

“‘Tapos parang nakakakaba, so hindi mo talaga mapi-feel kung okay ba or whatever, hindi mo malalaman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN