Bong Revilla Jr. rushed to hospital

IMAGE Mark Pimentel

Under observation ngayon si former Senator Bong Revilla sa St. Luke's Global dahil sa severe migraine at mataas na blood pressure.


Isinugod sa ospital kaninang umaga, November 5, si dating Senator Bong Revilla Jr. dahil sa severe migraine at high blood pressure.

Ilang sandali lang ay dinala na si Bong sa St. Luke’s Global dahil dalawang beses na siyang nagsuka.

Sandaling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang maybahay ni Bong na si Bacoor Mayor Lani Mercado.

Medyo nag-alala ito dahil hindi pa raw alam ng mga doktor kung ano ang sanhi ng pagsusuka niya.

Pahayag ni Lani, “Medyo nagwu-worry lang kami kasi may family history kami ng aneurysm kaya mas mabuting dito na siya sa hospital.

“Erratic din ang high blood pressure due to sever migraine, kaya nag-request na kami na dalhin na siya ng St. Luke’s Global.”

Naka-detain ang dating senador sa PNP Custodial Center dahil sa akusasyong sangkot diumano ito sa pork barrel scam.

At press time, under observation pa rin si Bong, kaya pinayuhan ang pamilya na huwag munang magbigay ng anumang pahayag sa media dahil mas mabuting hintayin na lang ang medical bulletin mula sa hospital.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN