Timothy Tan now on speaking terms with Sunshine Dizon amidst ongoing legal battle

IMAGE Mark Atienza

Timothy Tan on ongoing legal battle with estranged wife Sunshine Dizon: "Mixed emotions po ang nararamdaman ko ngayon. Siyempre worried din ako dahil may ongoing case. Pero nag-uusap kami ni Shine, para lang sa ikabubuti ng mga bata."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpaunlak ng mahaba-habang interview ang estranged husband ni Sunshine Dizon na si Timothy Tan.

Pinagbigyan ni Timothy ang pakiusap naming kapanayamin siya sa radio program namin kagabi sa DZRH na Showbiz Talk Ganern.

Nakiusap lang siyang hindi raw muna niya sasagutin ang ilang katanungang baka posibleng makaapekto sa kasong hinaharap niya ngayon.

Hindi muna sinagot ni Timothy kung ano talaga ang namagitan sa kanila ni Clarisma Sison.

??Siguro yung isyung yun, hindi ko pa maaring sagutin dahil may ongoing na case sa Prosecutor??s Office. Baka magkaroon ng conflict kaya pasensiya na po muna.

??Pero time will come, masasagot ko rin po lahat na mga tanong ninyo,?? pakiusap ni Timothy.

Inamin naman niyang magkakilala sila ni Clarisma, pero hanggang dun lang daw muna ang sasabihin niya.

MUM ON LEGAL MATTERS. Hindi rin muna niya sinagot ang tungkol sa annulment case na napabalitang pinaghahandaan na rin daw nilang isampa.

Matatandaang nagpahayag noon si Sunshine ng "no annulment for you."

Pahayag ni Timothy; ??Isa pa pong bagay iyan na sa ngayon ay hindi ko pa po sagutin at baka magkaproblema.

??May mga ganung talks din naman po noon, pero sa ngayon hindi ko lang po napagbigyang pansin dahil po sa may nag-arise na panibagong problema.??

Sa ngayon ay naka-focus daw muna siya sa mga reklamo na nag-aantay ng desisyon ng prosecution kung iaakyat ba ito sa korte pagkatapos isinumite ni Tim ang kanyang rejoinder sa reply affidavit ni Sunshine nung nakaraang Huwebes, November 3.

FOCUS ON KIDS. Bukod sa kaso, itinutuon raw muna niya ang kanyang panahon sa dalawang anak nila ni Sunshine dahil nadadalaw naman niya ang mga ito at nakakasama nang regular.

Iyon ang isa sa ipinagpapasalamat niya dahil civil daw sila ng kanyang asawa at nag-uusap sila tungkol sa mga bata.

Saad ni Timothy, ??Mixed emotions po ang nararamdaman ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??Siyempre worried din ako dahil may ongoing case.

??Pero nag-uusap kami ni Shine, para lang sa ikabubuti ng mga bata.

??Pero never po kami nag-usap tungkol sa case para siyempre hindi na po magkaroon ng ibang ibig sabihin.

??More on pag-uusap po namin para sa ikabubuti ng mga anak namin.??

Kapag nakakasama raw niya ang mga anak, isa lang daw ang hinihiling nila: ang magkabalikan ang kanilang mga magulang.

??Sino ba namang ayaw ng ganun?

??Siyempre gusto nila maging maayos, pero ini-explain ko sa kanila na may mga bagay na siguro na nagpi-fail na mga marriages.

??Hindi lang sa amin ito. Kahit sa mga ibang couples din nangyayari yun,?? napapangiting pahayag ni Timothy.

ADDRESSING KIDS' QUESTIONS. Mabuti at nakakasama niyang madalas ang mga bata kaya naipapaliwanag daw niyang mabuti ang kalagayan ng kanilang pamilya.

??Alam mo naman, mga bata, masyadong maraming tanong.

??So, ini-explain ko na lang sa kanila na may mga bagay na kailangan pagdaanan para matuto tayo.

??Kung yung nangyari man sa amin ng mommy nila, siguro naging isa sa pinakamahirap yun na sana hindi umabot sa ganun.

??Pero siyempre nagkakamali tayo. May mga ganung pangyayari.

??So far, maayos na kami ng mga bata ngayon,?? sagot ng estranged husband ni Sunshine.

SADDENED BY INCIDENT. Aminado raw siyang nalulungkot sa mga nangyayari, pero iniisip na lang daw niyang may dahilan kung bakit nangyari ito sa kanila ni Sunshine.

??Kahit papano nalulungkot din, pero may mga bagay talaga na kailangang pagdaanan na ito para maging leksyon para malaman natin kung ano ba talaga.

??Pero naging mahirap din sa akin na pagdaanan 'tong mga 'to, ang mga nangyayaring ito,?? seryoso niyang pahayag.

SOLID RELATIONSHIP WITH MOM-IN-LAW. Hiningan na rin namin ng reaksiyon si Timothy tungkol sa closeness pa rin ni Sunshine sa kanyang pamilya. Hindi naman daw kasi sila damay sa problema nilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??Maayos po ang relationship nila, at I think ang family ko naman po, never po nakialam o ano sa problema naming mag-asawa,?? sagot ni Timothy.

Kagaya rin daw sa relasyon nila ng ina ni Sunshine na maayos naman daw ang pakikitungo sa kanya hanggang ngayon.

??Ako naman po, okay naman ako kay Mommy Doty, e.

??Nagkausap po kami at minsan po pag sinusundo ko yung mga bata, tinatawagan ko na lang si Mommy Doty.

??So, maayos naman po, nagkakausap po kami.

??In fairness po kay Mommy Doty, never po siya nagtanong sa akin about the case, at nagpapasalamat din po ako dun,?? saad pa ni Timothy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN