Maine Mendoza gets "kilig" meeting Piolo Pascual for the 'first time'

IMAGE Photo from Instagram (@bubsie_24 and @arcangel_24)

Yaya Dub and Papa P meet at an event of a bank that they both endorse.


Kinilig si Maine Mendoza sa pagkikita nila ni Piolo Pascual, ito ay kung pagbabasehan ang mga larawan nilang magkasama sa social media.

Nagkita ang dalawa sa isang event ng bangko na pareho nilang iniendorso, ang Banco De Oro.

Ginanap umano ang event sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna, nitong Sabado, November 5, ayon sa RandomRepublika.com.

Ayon sa isa sa mga nag-upload ng picture na si @arcangel_24, ito raw ang unang pagkikita ng dalawang malaking artista mula sa magkalabang networks.

Makikita rin sa mga nasabing larawan si Direk Joyce Bernal, na naging direktor ni Piolo sa mga pelikula at ni Maine sa God Gave Me You Lenten special ng Eat Bulaga.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN