Marlon Stockinger says Pia Wurtzbach is his "pride and joy"

IMAGE Instagram (@marlonstockinger)

Racer Marlon Stockinger opens up about how special 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach is to him. He said that, aside from his racing car, Pia is his "pride and joy." 


Naging vocal si Marlon Stockinger sa kanyang nararamdaman para kay Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach nang mag-guest ang race-car driver sa isang game show sa ABS-CBN.

Isa si Marlon sa ka-team ni Matteo Guidicelli sa episode ng Family Feud noong Sabado, November 5.

Sa naturang game show, tinukso ni Matteo si Marlon.

Paglalarawan ni Matteo kay Marlon: “Number one race car driver, lover boy din.”

Tinanong ng show ng host na si Luis Manzano si Marlon kung sino ang “pride and joy” niya.

Sagot niya, “Of course, that’s my racing car... at saka si Pia.”

Nang usisain kung ano ang mensahe niya para kay Pia, na nasa US ngayon, simpleng tugon ni Marlon: “I miss you lang.

Nitong October, inamin ng Fil-Swiss racer na nasa 'getting-to-know-each-other' stage na sila ng Pinay beauty queen.

Read: Marlon Stockinger on Pia Wurtzbach: "We've been seeing each other."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN