Celebrities, politicians react to Supreme Court's decision to grant Ferdinand Marcos a hero's burial

IMAGE Archive

Sa pamamagitan ng botong 9-5 at isang inhibition, ibinasura ng Korte Suprema ang pinagsama-samang petisyon ng ilang grupo na pigilan ang pagpapalibing sa dating diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.


Nagdesisyon na ang Supreme Court na payagang mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating diktador na si Ferdinand Marcos.

Si Marcos ay naging Pangulo ng Pilipinas sa loob ng 20 taon.

Napatalsik siya sa puwesto dahil sa makasaysayang People Power Revolution o EDSA Revolution noong February 1986.

Sa pamamagitan ng botong 9-5 at isang inhibition, ibinasura ng Korte Suprema ang pinagsama-samang petisyon ng ilang grupo na pigilan ang pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ang siyam na bumoto para payagang ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay sina Associate Justices Arturo Brion, Presbitero Velasco Jr., Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Jose Perez, Teresita de Castro, Jose Mendoza, at Estela Perlas-Bernabe.

Ang lima namang hindi sumang-ayon ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, at Associate Justices Marvic Leonen, Francis Jardeleza, at Alfredo Benjamin Caguioa.

Nag-inhibit naman si Associate Justice Bienvenido Reyes.

Kaugnay nito, bumaha ang mga komento sa social media accounts at maging sa news sites mula sa mga kilalang personalidad at mga ordinaryong mamamayan.

May mga bumatikos sa desisyong ito ng Supreme Court at mayroon ding pumabor.

Gaya ng inaasahan, masayang-masaya ang pamilya Marcos na sa wakas daw ay mabibigyan na ng karapatang mailibing ang dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani.

Pahayag ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos, “Huwag na tayo magdebate.

“Kung ano man ang ating galit, hinanakit sa inyong puso, let it go na po.

“Magpatawad na tayo, magkaisa na tayo, mag-move on na ang Pilipinas.”

Nagpasalamat naman si dating Senator Bongbong Marcos sa Supreme Court at kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi niya sa inilabas na statement, “Once again, the Supreme Court has taken a magnanimous act to uphold the rule of law.

“We also would like to extend our sincerest gratitude to President Rodrigo Duterte as his unwavering commitment to this issue sustained us these past several months. Our family will forever be thankful for his kind gesture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It is our sincerest hope that this will lead the nation towards healing as we endeavor to move the country forward to give every Filipino a better life.”

Naglabas na rin ng statement ang Malacañang, sa pamamagitan ni Spokesperson Ernesto Abella, kaugnay ng desisyong ito ng Korte Suprema.

Pahayag niya, “We hope the matter will finally be laid to rest, and that the nation find the wherewithal to move forward and to continue forging a nation that is peacable, just and fair to all.”

CELEBRITIES REACT. Marami namang mga kilalang personalidad ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa desisyon ng Supreme Court na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Ferdinand Marcos.

Ikinalulungkot ni Vice President Leni Robredo ang desisyon ng SC na payagang bigyan ng hero’s burial ang dating diktador.

Isa si Robredo sa mahigpit na tumututol sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Pahayag ni VP Robredo, “Their family’s refusal to take responsibility for atrocities of the regime is an insult to the Filipino people.

“It might pass the bar of legal technicality, but can never be consistent with morality and the spirit of the Filipino people power revolution.”

Dagdag pa niya, “Out nation’s healing begins with the acknowledgement of the truth and resolution of the past.

“To bury Marcos in the Libingan ng mga Bayani would keep the wounds of the past unhealed.”

Narito pa ang ilang personalidad na naghayag ng kanilang opiyon sa pamamagitan ng Twitter:

Inaasahang iaapela ng petitioners ang desisyong ito ng Korte Suprema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN