President Duterte jokingly hits on VP Robredo: "Kung saan siya pupunta, pasunod-sunod ako, biyuda kasi."

IMAGE GMA News Livestreaming

"Ma'am, balita ko may boyfriend kayo? Do not be offended, pero yung sabi nila, hindi yun totoo? Kung totoo yun, Ma'am, may mapatay na congressman na bago. Para mabiyuda ulit," President Rodrigo Duterte jokingly said to VP Leni Robredo during his speech at third Yolanda commemoration in Tacloban, this Tuesday, November 8.


Pabirong nagpalipad-hangin si President Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo.

Magkasamang dumalo ang dalawang pinakamataas na opisyal ng gobyerno sa ikatlong anibersaryo ng Yolanda tragedy, na ginunita sa Tacloban, Leyte, ngayong Martes, November 8.

Hindi inaasahang pahayag ng pangulo sa kalagitnaan ng kanyang talumpati, “Pupunta din ako dito, kasi nandito si Vice President, e.

“Kung saan siya pupunta, pasunod-sunod ako, biyuda kasi.”

Hirit pa ni President Duterte, sabay tingin kay Vice President Robredo: “Ma’am, balita ko may boyfriend kayo? 

“Do not be offended, pero yung sabi nila, hindi yun totoo?

“Kung totoo yun, Ma’am, may mapatay na congressman na bago. Para mabiyuda ulit.”

Base sa livestreaming video ng GMA News Online, napapangiti na lamang si Robredo habang panay ang hiyawan ng audience.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, inamin ni Pangulong Duterte na nagagandahan siya kay Vice President Robredo.

Sabi ng pangulo, “Kapag ako galit, sige lang ako magtingin ng magagandang babae.”

Habang sinasambit ito ay makikitang nilingon ng pangulo ang pangalawang pangulo na nakaupo sa gitnang bahagi ng stage.


Ayon pa kay President Duterte, hindi niya maiwasang mapatingin nang minsang nagsuot si Vice President Robredo ng maiksing damit.

“Nung una sa [cabinet] meeting, the arrangement is magkatabi kami.

“Sabihin ko kaya, Ma’am? Hindi ka mag-ano [ma-offend]?

“Kasi si Ma’am Leni, medyo shorter than usual na damit na ano. Siguro nahalata ng mga protocol officer kaya sige ako sa likod...

“Si Sonny Dominguez naman, ‘Sir, ang layo mo naman.’

“Sabi ko, ‘Dito tayo. Tingnan mo yung tuhod ni [Ma’am Leni]...’

“Nung nahalata niya [Ma’am Leni], sige na siya... Gusto ko sabihin, ‘Mag-shorts ka na lang kaya? Maiksi-iksi ka ng damit…’

“Ang ginawa… binaliktad niya, tapos nakaharap na doon, wala nang view.

“So, nung mga next, after three cabinet meetings, doon na siya sa harap ko [nakaupo].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabay kanta ang pangulo ng “Malayo ang tingin…”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN