Senators disappointed with Supreme Court ruling on Marcos burial

Senator Kiko Pangilinan on the Supreme Court's decision to give former President Ferdinand Marcos a hero's burial: "His burial at the Libingan ng mga Bayani desecrates our democracy and the memory of those who fought for freedom and justice in our country."


Dismayado ang ilang senador sa naging desisyon ng Supreme Court na payagang mailibing ang dating diktador na si Ferdinand Marcos, na naging presidente ng Pilipinas sa loob ng 20 taon, sa Libingan ng mga Bayani.

Sa botong 9-5 ng mga mahistrado, ibinasura ng Korte Suprema ang pinagsama-samang petisyon ng ilang grupo na pigilan ang pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ang siyam na bumoto para payagang ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay sina Associate Justices Arturo Brion, Presbitero Velasco Jr., Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Jose Perez, Teresita de Castro, Jose Mendoza, at Estela Perlas-Bernabe.

Ang lima namang hindi sumang-ayon ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, at Associate Justices Marvic Leonen, Francis Jardeleza, at Alfredo Benjamin Caguioa.

Nag-inhibit naman si Associate Justice Bienvenido Reyes.

Sa maiksing pahayag na ibinigay ni Senator Grace Poe, nanindigan siya sa kanyang naunang pahayag na hindi maaaring ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos dahil sa bagong batas na kumikilala sa mga biktima ng martial law.

Ayon sa ulat ng Inquirer, sinabi ni Poe, “I maintain my position that ex-President Marcos, on account of his established human rights record alone during martial law and which fact had been recognized in a law duly passed by Congress, may not be buried at the Libingan ng mga Bayani without contravening the essence of that public policy.”

Bagamat ganito ang kanyang posisyon sa naging desisyon ng Supreme Court, sinabi rin ng senadora, “Be that as it may, whether we disagree with it, the nation will have to defer to the ruling of the Supreme Court as the final arbiter on this matter.”

Taong 2013 nang maisabatas ang panukalang pagkilala sa mga naging biktima ng martial law sa pamamagitan ng Republic Act 10368.

PHL AS LAUGHING STOCK. Naging sarkastiko naman si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa panimula ng kanyang pahayag tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng mister ni Sharon Cuneta, “Thanks to the Supreme Court, the Philippines will be a laughing stock of the world.

“We kicked out a reviled dictator and now we are honoring him by burying him in our national heroes cemetery.

“No less than our Supreme Court wants our citizens, our children to honor a plunderer and tyrant.

“This is shameful and deplorable.”

Diin pa ni Senator Pangilinan, "Marcos is not a hero.

“His burial at the Libingan ng mga Bayani desecrates our democracy and the memory of those who fought for freedom and justice in our country.”

CHOOSE WELL, MR. PRESIDENT.” Samantala, isa si Senator Risa Hontiveros sa mga nagpalit ng kanyang Facebook profile sa kulay itim bilang protesta sa naging desisyon ng Supreme Court.

Ayon sa kanyang Facebook post, sinabi ng senadora, “The decision intends to effectively wipe the Marcos slate clean and negate the sacrifices of the thousands of brave souls who fought and suffered under the brutal Marcos dictatorship.”

Hinimok din ni Senator Hontiveros si Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng kanyang desisyon tungkol sa isyu.

“I believe that the SC decision is not executory.

“The decision to give the late dictator a hero's burial is still in the hands of President Rodrigo Duterte.

“I call on the President to respond to the challenge of history and reject with finality all plans to give Marcos a hero's burial.

“I ask him to rise above his indebtedness and loyalty to the Marcos family.

“If at all that he received money from the Marcoses for his Presidential bid, President Duterte has no right to return such favors with the history and the dignity of the Filipino people.

“President Duterte is at a critical juncture in history.

“He could either stand up for truth and justice or submit himself as an instrument to the dictator family's desperate attempt to rewrite history and clear their name.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I urge the President to choose well.”

NEVER AGAIN. Dismayado rin si Senator Bam Aquino sa naging desisyon ng Supreme Court na payagang mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos.

Si Bam ay pamangkin ni yumaong Senator Benigno 'Ninoy' Aquino, na naging mahigpit na katunggali ni Marcos sa pulitika noong panahon ng martial law.

Pahayag ni Senator Bam Aquino tungkol sa naging desisyon ng Korte Suprema, “Though we must respect the outcome, my heart goes out to the thousands of victims during the darkest years in Philippine history.

“We will carry our work with the Department of Education to ensure that the truth about martial law is effectively taught in our schools.

“With this decision, we need to be even more vigilant that the mistakes of the past are not repeated. Never again.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN