Broadcaster Erwin Tulfo voluntarily retires as TV5 employee, remains as talent

IMAGE Glen P. Sibonga

Erwin Tulfo decides to take voluntary retirement as TV5 employee to become a talent so he could produce his own TV show.


Malungkot na ibinalita ng broadcaster na si Erwin Tulfo ang tungkol sa pagbabawas ng mga tao sa kanyang home network na TV5.

Natanong kasi siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa hindi niya pagdalo sa nakaraang Star For M-TV Awards: The Fusion of Philippine Entertainment's Best, ang pinagsamang awards night ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa music at television noong nakaraang buwan.

Hindi niya personal na natangap ang kanyang award bilang Best Male Newscaster para sa TV news program na Aksyon.

Ayon kay Erwin, "I was happy with the award, but during that time I was kind of sad and down.

"Kasi, it was also the time that we are downsizing.

"Lahat naman ng stations, di ba... GMA and ABS-CBN nag-downsize din sila.

"So, that was also the time na nag-announce na yung office ng TV5 na magda-downsize tayo, may mga kasamahan tayo na magre-retire, we will offer voluntary retirement.

"So, it was sad, kasi may mga kasamahan ako na they have been with TV5 for quite a while.

"I was kind of down noong mga araw na iyon, that weekend.

"Kasi nga usap-usapan noong Friday, 'Mag-a-avail ka ba ng retirement o hindi?'

"E, ako, I'm also a regular, pero nakita ko yung mga companion ko nag-avail sila.

"So, medyo down ako noon."

Patuloy niya, "On that Sunday nga, I was in church, I was praying.

"Then, suddenly the text came, 'Hoy Erwin,' Luchi [Cruz-Valdes, News5 Head] said, 'Nanalo ka rito. Where are you?'

"Sabi ko, 'Ma'am, I did not expect that.'

"When I saw her nung Monday, 'I did not expect that, but I really, really appreciate it,' sabi ko.

"So, ayun, medyo na-uplift naman yung spirit ko, na kahit may mga balita na ganun pero at the same time may good news na nanalo ako, so I was really happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph si Erwin sa kanyang get-together with the press noong Nobyembre 7 sa Max's restaurant sa Robinson's Galleria.

DECIDES TO BE A TALENT. Pinili ni Erwin na mag-avail din ng retirement sa TV5. Pero mananatili raw siyang talent sa news.

Kuwento niya, "I talked to Chot Reyes, siya yung bagong presidente ng company.

"He asked me, 'Mag-a-avail ka ba ng retirement?'

"Kasi pag nag-retire ako, I will become a talent na lang, hindi na regular.

"So, I had about a week to think kung magiging regular ako or a talent.

"Kasi may mga benefits din sa talent e. Like, if you're a talent, kagaya ko, I have a radio [program], pag regular kasi sa amin, wala kang premium.

"Doon sa mga hindi nakakaalam, yung premium is may programa ka, bibigyan ka ng 2 to 4 minutes ng station para ibenta mo iyon [through advertisements], iyon na yung pera mo, iyon ang premium.

"Which wala ako, unlike sina Kuya Ben, Kuya Raffy, meron sila because mga talent sila.

"May suweldo ako sa company, pero kung ikukumpara mo yung suweldo ko versus doon sa premium, way-way sobrang laki nung premium.

"So, isang dahilan iyon why I have to think kung magta-talent ako or regular.

"Ikalawa, I'm planning to have a blocktime program.

"Sabi ko kay Luchi, 'Ms. Luch, I want to have a program na sarili kong production.' 'Ay, hindi ka pupuwede kasi regular ka e.'

"So, sabi ni Luchi, 'The only way to do that is you become a talent and then puwede kang magtayo ng program mo, mag-launch ng program as a talent, not as a regular.'

"So, I weighed, kung regular ka, may suweldo ka. Kumpleto ka ng benefits.

"Kung talent ka, may premium ka naman, makakapag-launch ka ng program.

"And then I asked Chot Reyes. Sabi niya, 'Nasa desisyon mo iyan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, finally, upon consulting my friends and also my family, sabi nga nila Tol Ben at Tol Raffy, 'Ikaw, kung gusto mong mag-talent, go for it.'

"So, I signed na becoming a talent at the end of October.

"Starting November 1, I'm a talent now of TV5, not a regular employee."

May nakuha ba siyang retirement benefits?

"Meron, meron namang retirement. Pero at the same, I'm still a talent, I'll still be doing the news [Aksyon]."

WILL LAUNCH HIS NEW SHOW IN DECEMBER. Kasunod ng kanyang desisyong maging talent ng TV5, ilulunsad na rin niya ang bago niyang show na siya rin ang magpo-produce.

Ibig sabihin nito ay magiging blocktimer na siya at magbabayad ng airing time ng kanyang show. Sa kanya rin mapupunta ang kikitain ng programa mula sa advertisements.

Ayon kay Erwin, ang kanyang magiging programa ay parang isang news magazine, "pero at the same time mayroon pa rin siyang public service, may mga expose pa rin."

Inihalintulad pa niya ito sa dating weekly show ni Noli de Castro na Magandang Gabi, Bayan.

"Pero this is different, e siyempre, Magandang Gabi, Bayan is indentified with Noli. This one will be different.

"So, hindi ko mai-launch yun kung regular ako. So, I have to become a talent.

"Pero at the same time, I'll still be doing the news for TV5, may suweldo pa rin ako doon.

"I still have my radio program, may suweldo pa rin ako doon. Aside from the suweldo, may premium ako."

CHOT REYES AS NEW TV5 PRESIDENT. Samantala, nabanggit din ni Erwin ang opisyal na paghalili ni Chot Reyes kay dating TV5 president Noel Lorenzana.

October 3 nang magsimula bilang bagong TV president si Chot, na dating head ng Sports 5.

Sa palagay ni Erwin, magagamit ni Chot ang husay nito bilang basketball coach sa bagong posisyon niya bilang TV5 president.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Coach Chot is a team player.

"Actually, what happened when he took over, inisa-isa niya yung bawat department e.

"Pinuntahan niya lahat ng department, HR [human resource], legal, engineering, kinausap niya isa-isa.

"Tapos inalam niya kung ano ang mga problema ng mga tao. So, may connect siya sa mga tao.

"And he's in constant in touch with the people sa baba, pati driver, pati motorpool.

"Kita mo presidente ka, kausap mo yun motorpool. Presidente ka, kausap mo yung grupo ng mga cameramen. Presidente ka, kausap niya yung unyon.

"Gusto niya, base sa kanya, we're like a basketball team. Kailangan kita, kailangan kita, reserve ka pero kailangan kita, so everybody."

Pero sa huli, tila may panghihinayang si Erwin.

"Yun nga lang he came in a time na nagda-downsize kami just like in any other network."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN