Bianca Gonzalez hits back at pro-Marcos netizen for making fun of her skin color

IMAGE Noel Orsal

Bianca Gonzalez to her basher: "Malaya kang nakakapag-bash ngayon dahil sa mga nauna sa atin na lumaban sa diktadurya."


Binuweltahan ni Bianca Gonzalez ang isang basher na nagkomento sa kanyang Instagram post tungkol sa desisyon ng Supreme Court na payagan nang mailibing ang dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Read: Celebrities, politicians react to Supreme Court's decision to grant Ferdinand Marcos a hero's burial

Sa post ng Kapamilya TV host kagabi, November 8, sinabi niyang sana raw ay huwag kalimutan ng mga tao na ang tinatamasa nilang kalayaan ngayon ay dahil sa mga nakipaglaban noon sa rehimeng Marcos.

Saad ni Bianca sa caption: “Hindi namin ibinabale-wala ang kapangyarihan na meron tayo para magbigay ng opinyon, mag-post sa social media, o lumabas ng bahay kung kelan natin gusto, na ine-enjoy natin ngayon dahil sa libu-libong ibinigay ang buhay nila para ipaglaban ang kalayaan natin. #NeverForget

Sa halip na tumutok sa isyu, isang follower ni Bianca ang tila nalihis sa kanyang mga komento.

Una, hinanap niya ang TV host sa larawang kuha sa isang lugar sa UP Diliman, kung saan nagsagawa ng protesta ang mga estudyante at mga mamamayan matapos ilabas ng Korte Suprema ang desisyon nitong payagan nang mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos.

Sabi ng basher na may handle name na nataliestark3030, “Pwede gumamit kayo ng flash next time para makita kayo sa pic? Lalo at nasa DILIMAN kayo kaya before going to UP Diliman, always bring camera with flash.”

Malinaw na pinasasaringan ng basher ang kayumangging kulay ni Bianca.



Kasunod naman nito ang sagot ni Bianca na pagpapaalala niya sa naturang basher na malaya itong nakakapang-bash ngayon dahil sa mga nakipaglaban sa diktadurya.

Ipinaliwanag din ng Pinoy Big Brother host na wala siya sa larawan dahil siya ang kumuha nito.


Pero sa mga kasunod na komento ng basher, sinita naman niya si Bianca kung bakit in-edit daw nito ang kanyang post tungkol sa ‘gimik.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW





Hindi na ito sinagot ni Bianca at tuluyan na niyang binura ang naturang mga komento sa kanyang post.

Umani naman ng pagsang-ayon sa ilan niyang followers ang naturang post ni Bianca, ngunit may iba ring  bina-bash ang TV host at pinaalala ang mga magagandang nagawa ni Marcos sa bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN