Luis Manzano defends Jessy Mendiola over "What am I to say to that?" remark

IMAGE Mark Atienza

Muling hiniritan ni Luis Manzano ang bashers ng napapabalitang girlfriend niyang si Jessy Mendiola. Sabi pa niya, "Ganito talaga ako, hindi ako pa-victim or pa-class, barubal talaga akong tao."


Napikon na namang muli si Luis Manzano sa bashers.

Sa pagkakataong ito, may kaugnayan ito sa pag-alipusta ng ilang bashers sa pagsasalita ng English ng rumored girlfriend niyang si Jessy Mendiola noong nakaraang Star Magic Ball.

Sa isang video na lumabas, ininterbyu ng ABS-CBN News sina Luis at Jessy sa red carpet ng annual event.

Sabi ni Luis, “The best part of the evening is we have a lot of beautiful stars, but I’m claiming that I have the most beautiful date this evening.”

Ang tinutukoy ng Kapamilya TV host-actor ay ang ka-date niya noong gabing iyon na si Jessy.

Matapos nito, hiningan ng reaksiyon si Jessy tungkol sa sinabi ni Luis.

Tila kinikilig namang sagot ng aktres, “What am I to say to that?”

“WHAT AM I TO SAY TO THAT.” Kahapon, November 8, nag-post si Jessy ng kanyang larawan sa Instagram na ang tanging nakasaad sa caption ay mga pangalan ng kanyang glam team.

???????? @marbentalanay @iamantoniopapa

A photo posted by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Kasunod nito ay ang mga nagkomento at pinuna ang wrong grammar diumano ni Jessy sa interview.

Agad namang ipinagtanggol ni Luis ang rumored girlfriend at sinabing 'grammatically correct' sinabi ni Jessy.

Binuweltahan din ng Minute To Win It host ang mga bumatikos sa aktres.








"BARUBAL TALAGA AKONG TAO." May mga tagahanga naman si Luis na tila nalungkot sa pagpatol nitong muli sa bashers.

Ngunit buwelta niya, "Wala naman ako pederstal or di naman ako mas mataas sa normal na tao...."

Dagdag pa ni Luis, "Ganito talaga ako, hindi ako pa-victim or pa-class, barubal talaga akong tao."




Samantala, nakiusap naman si Jessy kay Luis na huwag nitong patulan ang bashers.


Pero hindi na ito sinagot ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN