Angelu de Leon suffers another Bell's palsy attack

IMAGE Instagram photo of Angelu de Leon

Angelu de Leon on experiencing another attack of Bell's palsy: "Yung change of weather with low immune system made me vulnerable again."


Nag-alala ang ilang malalapit na kaibigan at Instagram followers ni Angelu de Leon sa post niya kagabi, November 8, kung saan makikitang nakasuot siya ng hospital gown.

Base sa isa sa hashtags na kanyang inilagay sa caption, masasabing inatake ng Bell's palsy ang Kapuso actress.

Sa isang bahagi rin ng kanyang caption, sinabi ni Angelu: “I'd smile but my face is not moving.”

Ayon sa Web MD, “Bell's palsy is a paralysis or weakness of the muscles on one side of your face. Damage to the facial nerve that controls muscles on one side of the face causes that side of your face to droop.”

Inilagay rin ni Angelu ang naturang post sa kanyang private account sa Facebook.

Sa comments section, sumagot ang aktres para ipaliwanag ang kanyang kasalukuyang kalagayan.

Aniya, “Nag-MRI ako to rule out me having stroke yung nangyari sa Boracay and to see why I had another attack of Bell's Palsy.”

Ayon kay Angelu, nangyari na rin ito sa kanya noong 2009.

Suspetsa niya sa muling pag-atake nito, “My bad din kasi I don't take vitamins every day tapos di ba hectic nung sched namin sa Euro trip tapos beach.

“Yung change of weather with low immune system made me vulnerable again.”


Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angelu, sa pamamagitan ng FB private messaging, sinabi niyang makukuha ang resulta ng kanyang MRI sa Biyernes, November 11.

“[I'm] praying they rule out that I had stroke when I was in Boracay,” aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN