Jake Ejercito responds to bashers who criticized his anti-Marcos burial post

IMAGE Instagram (@unoemilio)

Jake Ejercito hits back at bashers who criticized his anti-Marcos post, after the Supreme Court allowed the remains of former dictator Ferdinand Marcos be buried in the Libingan ng mga Bayani. 


Sumagot muli si Jake Ejercito sa ilang netizens na pumuna sa kanyang post tungkol sa pagkadismaya niya sa desisyon ng Supreme Court na payagang mailibing ang dating diktador at pangulo na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa pamamagitan ng social media, ipinahayag ni Jake ang kanyang pagkontra sa desisyon ng Korte Suprema tungkol sa paglibing kay Marcos.

"Body may be buried, but not the truth."

A photo posted by Jake Ejercito (@unoemilio) on

Sa naunang komento ni Jake, sinagot niya ang pagpuna ng isang netizen sa kanyang pagkontra sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani, kahit malapit niyang kaibigan ang apo ng dating diktador na si Sandro Marcos.

Ayon kay Jake, hindi kailangang mabahiran ng pulitika ang tunay na pagkakaibigan.

Read: Jake Ejercito firm in opposing Marcos burial; affirms friendship with Sandro Marcos

Sa mga sumunod pang comments, may mga netizen na tinuligsa si Jake sa nasabing post at nagbanggit ng mga personal na bagay, kagaya ng pagiging pro-Marcos ng kanyang amang si Manila Mayor Joseph Estrada na naging pangulo rin ng Pilipinas.




Sagot ni Jake, hindi kailangang sumang-ayon sa opinyon ng magulang sa lahat ng pagkakataon.


May mga netizen ding nadismaya kay Jake dahil hindi sila sang-ayon sa kanyang post.

May tumuligsa pa sa kanya at ibinalik ang nakaraan ng pamilya niya, kagaya ng pagkaka-impeach sa kanyang ama bilang pangulo.

Mayroon din namang nagpakita ng suporta sa binata.



Sinabi ni Jake na nirerespeto niya ang pahayag ng netizens, subalit buburahin daw niya ang mga argumento na walang kabuluhan.

"I respect your dissensions and you're more than welcome to state them, but unintelligent and undiscerning comments will be deleted."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN