Oyo Sotto slams basher accusing him of being dependent on dad Vic Sotto

IMAGE Noel Orsal

Oyo Sotto to basher accusing him of depending to dad Vic for financial support: "Gusto mo ata maging Sotto eh. Laki ng inggit mo."


Inalmahan ni Oyo Sotto ang paninira ng isang basher sa kanya at sa misis niyang si Kristine Hermosa.

Base sa comments sa Instagram account ni Kristine, pinupuntirya ng basher ang diumano??y pagiging dependent ni Oyo sa pera ng ama niyang si Vic Sotto.

Buwelta ni Oyo sa basher na may handle name na @darlingangellove:

"Wala ka naman alam sa buhay ko. Ang alam mo lang puro bali-balita sa media.

"Anyway, wag ka mainggit ulit. Kasi kitang kita na kapangitan mo.

"Baka gusto mo mag paampon? Gusto mo ata maging Sotto eh. Laki ng inggit mo.


Pati ang cousin-in-law ni Oyo na si Joy Sotto, misis ni Gian Sotto, ay hindi rin napigilang sagutin ang basher:


Bagamat burado na ang comment ng naturang basher, may ibang netizens ang naghayag ng kanilang disgusto sa masasamang salitang binitiwan nito laban kina Oyo at Kristine.

Nag-ugat umano ang paninira ng basher sa pagbisita ni Vic sa apo nitong si Marvic Valentin Sotto II, na ika-apat na anak ng celebrity couple.

Read: Kristine Hermosa gives birth to baby boy

Read: Vic Sotto holds apo Baby Marvic for the first time





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN