Richard Gomez vehemently denies involvement in Espinosa drug group: "That is ridiculous and outright laughable."

IMAGE Richard Gomez on Facebook

Ikinagalit ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa Senate investigation na diumano'y protektor siya ng droga sa kanilang lugar. Unang sambit ng actor-politician: "I will not dignify that with an answer."


“That is ridiculous and outright laughable.”

Ito ang tugon ni Ormoc City Mayor Richard Gomez nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa "Espinosa drug group."

Ang nagbanggit ng pangalan ng actor-politician ay si Chief Inspector Leo Laraga ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8, na namuno sa raid ng selda ni Albuera (Leyte) Mayor Rolando Espinosa Sr. sa Baybay City Jail noong November 5.

Napatay si Espinosa sa naturang raid.

Sa isinasagawang joint investigation ng Senate committees on Public Order and Dangerous Drugs at Justice and Human Rights ngayong Huwebes, November 10, pinangalanan ni Laraga ang high-ranking government officials sa Leyte na kabilang diumano sa drug group ng anak ni Mayor Espinosa na si Kerwin Espinosa.

Ang mga opisyales daw na ito ang protektor ng droga sa Leyte.

Pahayag ni Laraga, na nakatala sa GMA News Online, “[May] mga personality na involved doon sa Espinosa drug group mismo galing din ito sa region na...

“Nabanggit na rin ito ni late Mayor Espinosa regarding doon sa mga pulitiko na involved and at the same time, yung mga nasa PNP [Philippine National Police].

“Yung sa Baybay City is involved. Yung vice mayor ng Baybay City, allegedly yung governor ng Leyte, the mayor of Ormoc City, and the congressman of the third district of Leyte.”

Noong una ay tumanggi pa si Laraga na pangalanan ang mga naturang opisyales, ngunit pinagpilitan ng senado na banggitin niya ang mga ito "in aid of legislation."

Ayon kay Laraga, ang mga tinutukoy niya ay sina Baybay Vice Mayor Mike Cari, Rep. Vicente Veloso, Leyte Governor Leopoldo Petilla, at Ormoc Mayor Richard Gomez.

Narinig daw niya ito mismo mula kay Albuera Municipal Police Chief Inspector Jovie Espenido sa isinagawa nilang case conference.

Dagdag pa ni Laraga, “Sinabi niya yun personally, yung mga pangalan na sinabi ko na binanggit ni Mayor [Espinosa].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din ni Laraga na siya ang nakabaril kay Espinosa.

Ngunit mariing pinabulaanan ni Richard Gomez ang akusasyon laban sa kanya sa eksklusibong pahayag na ibinigay niya sa PEP, sa pamamagitan ng text messaging, ngayong araw.

Buwelta ng Ormoc City mayor, “I will not dignify that with an answer. Huwag nila akong isama sa circus nila.”

Naupo sa puwesto si Richard bilang mayor ng Ormoc City nito lamang June 30, 2016, matapos niyang talunin ang dating mayor na si Edward Codilla noong May 9 elections.

Noong wala pa sa pulitika si Richard ay naging organizer siya ng Mamamayan Ayaw sa Droga (MAD), isang kampanya laban sa paggamit ng illegal drugs.

Kilala rin siya bilang isang athlete, na lumaban sa mga local competitions ng volleyball at basketball, at sa mga international competitions ng fencing at target shooting.

Si Richard ay mister ni Fourth District Leyte Representative Lucy Torres-Gomez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN