Rhap Salazar gets flak from netizens for tweet about US election results

IMAGE Rhap Salazar on Facebook

Hindi nagustuhan ng netizens ang Twitter post ni Rhap Salazar tungkol sa resulta ng eleksiyon sa Amerika, na tila hindi apektado sa pagkapanalo ni Donald Trump. Kaya naman binura na lang ito ng singer at humingi siya ng dispensa.


Malaking balita ngayon ang pagkapanalo ng billionaire at dating reality TV star na si Donald Trump sa katatapos lang na US presidential election, kung saan tinalo niya ang Democratic candidate na si Hillary Clinton.

Sa social media, bumaha ng maraming mensahe ng disgusto at pagkagulat sa resulta ng sinasabing pinaka-historic na eleksyon sa itinuturing na pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo.

Ngunit tila hindi apektado rito ang singer na si Rhap Salazar.

Sa kanyang Twitter account, bandang 9:33 ng gabi noong Miyerkules, nag-tweet si Rhap ng ganito: “Bakit masyado ka affected sa US Election, bes?”


Hindi ito nagustuhan ng ilang netizens, kaya naman nag-tweet sila ng mga impormasyon kung bakit apektado ang Pilipinas sa Trump presidency.

Ang iba naman ay naging personal na ang atake kay Rhap:

Dahil sa mga negatibong komentong ito, binura na ni Rhap ang kanyang tweet at humingi ng paumanhin sa mga taong nasaktan niya dahil dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN