Rita Avila indignant at Supreme Court decision allowing hero's burial for Ferdinand Marcos

IMAGE Magpahanggang Wakas on Facebook

Ibinahagi ni Rita Avila na noong libing ng kanyang namayapang anak, may gusto raw siyang patayin at ilibing dahil sinabihan siya ng "move on." Pakiramdam daw niya, kawalan ito ng respeto sa kanyang damdamin bilang isang ina.


Isa ang aktres na si Rita Avila sa hindi natuwa sa naging desisyon ng Supreme Court noong Martes, November 8, na maari nang ilibing sa Libingan ng mga Bayani (LnmB) ang dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos.

Sa botong 9-5, nanaig sa desisyon ng mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ang sinasabing rule of law, na walang batas na nagbabawal upang ihimlay ang dating pangulo at war veteran sa LnmB.

Ipinagluksa ito ng mga anti-Marcos at biktima ng martial law.

Nakisimpatiya sa kanila si Rita.

Hindi raw matanggap ng aktres ang mga salitang “move on” mula sa mga taong ipinagkikibit-balikat na lamang ang naging desisyon ng Supreme Court.

Nitong nakaraang Miyerkules, November 9, ibinahagi ni Rita ang kanyang saloobin tungkol sa isyu sa pamamagitan ng Instagram.

Sa una niyang post, sinabi ng aktres na hindi madaling mag-move on mula sa isang masakit na karanasan, lalo na dun sa mga taong namatayan noong panahon ng martial law.

Caption niya sa photo message na ito: “#death #martiallaw #moveon #respect
We are all in pain at the moment for what is happening in our country. The victims and non-victims.”

Kasunod nito ang pag-alala ni Rita noong panahong pumanaw ang kanyang anak.

Sa libing daw ng anak ay may nagsabi sa kanya ng "move on," na hindi raw niya ikinatuwa dahil sa kanyang pagdadalamhati.

Nais daw niyang patayin at ilibing na rin ang naturang tao

Nilagyan ito ni Rita ng caption na: “#death #moveon #respect #martiallaw
The country is weeping for its unbearable pain.”

#death #moveon #respect #martiallaw The country is weeping for its unbearable pain.

A photo posted by msritaavila (@msritaavila) on

Sa isa pa niyang post, sinabi ng Magpahanggang Wakas actress na ang pagmu-move ay "individual journey" at hindi kailangang ipaalala sa isang taong nagluluksa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN