President Duterte snubs one-on-one interview with Kris Aquino

IMAGE Noel orsal (Kris)/RTVM (Duterte)

Kris Aquino on Pres. Duterte's failure to appear on their one-on-one interview: "Hindi ko rin po alam kung dahil sa mga sitwasyon na nangyayari ngayong linggo kaya inisnab ako."


Hindi sinipot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dapat sana'y one-one-one interview sa kanya ni Kris Aquino para sa National Micro, Small and Medium Enterprises Summit 2016 ng Go Negosyo, na ginanap sa Davao City ngayong Biyernes, November 11.

Ayon sa kampo ni Duterte, sinikap ng Presidente na makadalo subalit masama raw ang pakiramdam nito at nagkaroon ng migraine.

Kababalik lang ngayong araw ni Pangulong Duterte mula sa kanyang pagbisita sa bansang Malaysia.

Biro ni Kris sa hindi pagdating ng Pangulo: “Maybe I have that effect on some men. Mina-migraine talaga sila sa akin.”

Sa simula pa lang ng programa ay hindi naiwasan ng Queen of All Media na magpahayag ng kanyang pagkadismaya sa hindi pagkakatuloy ng kanyang one-on-one interview kay Pangulong Duterte.

Aniya, “President Duterte, pinaghandaan kita. Dalawang linggo akong nagdiyeta para dito.”

Sabi pa ni Kris, may mga pagkakataon talaga sa trabaho niya na nangyayari ang mga di inaasahan.

“Ganun po nangyayari talaga sa trabaho namin. Minsan yung co-star mo, nagkakasakit.”

Dagdag pa niya, “Hindi ko rin po alam kung dahil sa mga sitwasyon na nangyayari ngayong linggo kaya inisnab ako.”

Mensahe pa ni Kris sa Pangulo: “Pero President Duterte, please give me a chance. I hope one day mamahalin mo rin ako.”

Nitong Martes, November 8, nagdesisyon ang Supreme Court na payagang mailibing ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ang rehimeng Marcos ang nilabanan ng yumaong ama ni Kris, si dating Senador Benigno 'Ninoy' Aquino Jr., at ang administrasyong pinalitan ng ina ng TV host-actress na si dating Pangulong Corazon Aquino.

Ayon kay Kris, nagkausap pa sila ng kapatid niyang si dating Pangulong Benigno 'PNoy' Aquino III tungkol sa paghu-host niya sa event dahil mag-isa lang siya.

“Sabi ko sa kanya, ‘What do I do?’

“Sabi niya, ‘You made a commitment. Nandiyan ka for Go Negosyo. Nandiyan ka because you believe in the Philippine economy at nandiyan ka because you want everybody to be included in the growth of our economy.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ituloy po natin ito.”

Naging malaking balita ang dapat sana'y paghaharap nina Pangulong Duterte at Kris.

Inanunsiyo pa nga ni Kris sa kanyang social media account na ang pagbabalik niya sa telebisyon ay magaganap sa TV5 at PTV4, kung saan ipalalabas ang interview niya kay Duterte.

Read: Kris Aquino will make TV comeback via TV5 and PTV4


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN