Liza Soberano still in touch with James Mcvey of The Vamps

IMAGE Mark Atienza

Liza Soberano says she's not ready to follow the lead of Nadine Lustre and Kathryn Bernardo in tackling more mature roles: "I'm only 18, they are older than me… it was the right time for them. We're still gonna give it some time, yung pakaunti-kaunti lang yung pagma-mature."


Nung nakaraang show ng British rock band na The Vamps sa bansa ay inimbitahan ng isang miyembro nito na si James Mcvey si Liza Soberano para panoorin ang kanilang show.

Ngayong magsu-show uli rito ang grupo ay muli palang inimbita ni James ang aktres para manood.

Gusto raw sana ni Liza pero hindi siya pwede.

Kuwento niya, “Nasa Korea kami, e. Nag-message sa akin si James.

“He’s inviting me pero 'di nga ako makakanood kasi we’re busy shooting.”

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Liza nung nakaraang Miyerkules sa NAIA Terminal 1 sa departure nila ni Enrique Gil patungong Korea para sa shooting ng bago nilang pelikula.

Naungkat namin na isa si Liza sa umagaw ng pansin at naging usap-usapan sa nakaraang 10th Annual Star Magic Ball.

Maging ang mga kapwa artista ay nagpahayag ng paghanga sa ganda at elegante nito nung gabing iyon.

Watch: Celeb reactions to the beautiful Liza Soberano

Masayang pahayag ni Liza, “Nakakakilig lang, tapos ang daming nagtatanong kung saan ako nagpagupit.

“Hindi ako nagpagupit, nag-trim lang ng bangs.

“I don’t know, it just felt good that everybody appreciated it kasi we really worked hard on the whole look, together with the glam team.”


BUSY, BUSY, BUSY. Kailan naman kaya magsisimulang gumanap si Liza sa medyo mature na roles tulad nina Nadine Lustre ngayon sa seryeng Till I Met You at Kathryn Bernardo kamakailan sa pelikulang Barcelona?

Tugon niya, “I’m only 18, they are older than me… it was the right time for them.

“We’re still gonna give it some time, yung pakaunti-kaunti lang yung pagma-mature.”

Light nga raw ang pelikula nila ni Enrique na sa Korea ginagawa ang ilang scenes.

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Cathy Garcia-Molina at produce muli ng Star Cinema.

Samantala, matunog ang bali-balita na si Liza raw ang susunod na leading lady ni Coco Martin sa seryeng gagawin ng aktor pagkatapos ng FPJ's Ang Probinsyano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya lang, tila hindi pa ito alam ni Liza, “Ang tagal kong nawala, 'di ko po alam ang mga ganyan.”

Pero kung sakali man, “Okey lang naman po, I’m open working with him. Coco Martin is really a good actor.”

May usap-usapan din na isa pang pelikula ang nakalinyang gagawin nina Enrique at Liza kung saan makakasama naman nila si Sharon Cuneta.

Excited naman dito si Liza, “If ever there is a concept, if ever na matuloy talaga siya, I would like to work with her.”

Ang alam lang daw niya ay isang serye ang sisimulan nilang gawin ni Enrique sa unang quarter ng 2017, “Yun pa lang naman ang nababalitaan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN