Nathalie Hart hopes to get another acting award

IMAGE Mark Atienza

After winning a best actress trophy internationally, Nathalie Hart hopes local showbiz will appreciate her more. "I could actually say I'm a proper actress… may napatunayan na rin naman ako. Hindi kagaya dati na, starlet, yung ganun."


Sa lahat daw ng naka-love scene ni Nathalie Hart, naging pinakakumportable raw siya kay JC de Vera bilang leading man niya sa Tisay.

Aniya,“He’s very professional, e. Trabaho lang talaga.

“Pagkaupo, gagawin namin, walang usapan.

“Wala nang chikahan, wala nang segue-segue.

“Mas gusto ko yung ganun. We’re not friends, e.

“Kapag nagkikita kami, 'Hi' and 'Hello,' trabaho, diretso.

“Hindi na pinag-uusapan, pinagtatawanan na lang namin ang mga ginagawa namin, tapos na.”

Sa mga nauna niyang leading men tulad nina Luis Alandy at Joem Bascon sa Siphayo, hindi ba siya kumportable sa kanila?

Paliwanag ni Natalie, “Kasi, siguro, I was so awkward.

“Kapag awkward ka, hindi ka rin kumportable sa lahat ng ginagawa mo.

“So noong time na nakatrabaho ko siya [JC], suwerte na rin siguro na it wasn’t my first time to kiss someone.

“Ngayon, hindi naman sa sanay, pero alam ko na kung paano dalhin ang eksena.”

Hindi nagpalipad-hangin si JC kay Nathalie?

“Ay, wala! Dyusko, day, busy!”

Single daw siya ngayon pero si JC, tila naibuko nito sa pagsasabing, “Meron ‘yan!”


HOPEFUL. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nathalie noong November 8 sa Max’s Restaurant sa Quezon City.

Dito ay naglahad si Nathalie ng wish niya na makasungkit ng acting award sa Cinema One Originals Film Festival, kung saan isa sa finalists ang Tisay.

Magsisimula na ang filmfest ngayong Lunes, November 14.

Ayon kay Nathalie, “Marami po kami, Jasmine Curtis, Shaina Magdayao, Angeline Quinto, Valeen Montenegro.

“Pito yung films and, I think, our film, it would be nice if Tito Joel [Torre], JC, or me gets an award.

“But, I know, our film will get the best film.

“Kasi kapag alam mo kung gaano kagaling ang director mo at kung gaano kaganda ang script niyo…

“Makikita mo rin kung paano magtrabaho ang director mo, he’s so hardworking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang ganda-ganda ng mga shots namin.”

Ang director ng Tisay ay si Alfonso Torre.

STARLET NO MORE. Matatandaang nitong Oktubre ay nag-uwi si Nathalie mula sa International Manhattan Film Festival sa New York City ng Best Actress trophy para sa Siphayo.

Lahad niya, “It’s my first award… it’s a very good feeling na parang I could actually say I’m a proper actress.

“Hindi na puwedeng sabihin na nagsisimula pa lang.

“Or kung magsisimula man ako, masasabi nilang may napatunayan na rin naman ako.

“Hindi kagaya dati na, starlet, yung ganun.”

Ayaw na niyang ma-label na starlet?

“Well, bahala sila kung gusto nila,” natawa niyang sabi.

“But for me, siguro kahit paano, may napatunayan na rin ako sa mga project na ginagawa ko.”

Hindi naman nakarating sa awarding ceremony ng filmfest sa New York ang nanalong Best Actor mula sa Spain na si Andreas Munoz para sa pelikulang Ignacio de Loyola.

Pero kuwento ni Nathalie, maski hindi sila nagkakilala nang personal, nag-post daw ang Spanish actor ng mensahe sa kanyang Facebook timeline.

“He said congratulations… He found me on Facebook.

“Sabi niya, ‘It’s so bad that I couldn’t go and see you…’

“Nag-reply naman ako, I said thank you.

“Actually, natatawa nga rin ako, nagtatawanan kami ng handler ko.

“Sabi niya, ‘Ikaw talaga, ang haba ng hair mo.’

“Sabi ko, ‘Okey lang ‘yan, single naman ako.’”

Facebook friend na nga raw sila ngayon ni Andreas. Madalas ba silang magpalitan ng messages?

“Wiz! Ang layu-layo ng Pilipinas,” natawang pakli ni Nathalie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN