Ai-Ai delas Alas plans Vatican visit January 2017 to personally thank Pope for Papal Award

IMAGE Gorgy Rula

Upon being conferred her Papal award, Ai-Ai delas Alas humbly acknowledges her newfound noble mission: "Siyempre naman lahat na nangyari sa akin, alam naman ng buong Pilipinas at alam naman ni Lord kung ano ang nangyari sa buhay ko. Siguro isa ito sa gift Niya sa akin. Siguro meron siyang misyon for me, sumusunod lang ako."


Pagkatapos iginawad ang Papal award kay Ai-Ai delas Alas kahapon, Biyernes, November 11, nagpahayag ang Kapuso Comedy Queen na ganun pa rin naman daw ang trabaho niya at wala naman daw mababago sa kanya dahil hindi naman daw siya santo.

“Sabi naman ni Bishop, wala naman dapat mabago sa akin, hindi naman ako santa.

“Tao pa rin ako na nagkakamali.

“Yun na nga lang, siyempre may ibang restrictions na.

“Maingat at saka siguro hindi naman ako puwede mag-tangga, shorts na lang, mga ganyan,” napapangiti niyang pahayag nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago nagsimula ang thanksgiving mass at Solemn Investiture of the Pro Ecclesia et Pontifice Award (Cross of Honor from the Holy Father) na iginawad sa kanya.

Ang Pro Ecclesia et Pontifice ay ang “highest medal that can be awarded to the laity by the Pope for an individual's distinguished service to the Roman Catholic Church.”

Ang pagbigay ng award kay Ai-Ai ay isang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa Catholic Church “within and beyond her parish in an exemplary capacity.”

Ang ilan sa mga Pinoy na nagawaran na rin na naturang award ay ang former Ambassador to the Holy See Henrietta de Villa, socialite Cristina Ponce Enrile, at ang matriarch ng family-owned SM Investments na si Felicidad Sy.

Ginanap ang naturang seremonya sa Cathedral of the Good Shepherd sa Regalado Avenue, Novaliches, Quezon City.

Isinabay na rin niya dito ang kanyang ika-52 birthday celebration kahapon.

Ilan sa mga malalapit na kaibigang dumalo ay sina Sharon Cuneta, Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, John Lapus, at Erik Santos.

KRIS'S DONATION. Pinadalhan din pala ni Ai-Ai ng imbitasyon si Kris Aquino pero hindi nga raw ito makadalo dahil nasa Davao ito para sa interview sana niya kay Pres. Rodrigo Duterte.

Kaya nagpadala na lang daw si Kris ng donasyon para sa ipinapatayo niyang simbahan, ang Kristong Hari Parish Church sa Commonwealth, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In-invite ko siya.

“Nagkataon lang na nauna siyang nagbigay, kasi hindi siya makarating,” pakli ni Ai-Ai nang tinanong namin tungkol sa ipinost niyang pagpapasalamat sa donasyon na ibinigay ni Kris.

Hindi raw sila nagkausap, pero kasama raw talaga si Kris sa mga imbitado.

Isinabay na rin kasi doon ni Ai-Ai ang pangangalap ng donasyon para sa ipinapatayo niyang simbahan.

Wala nang mahihiling pa si Ai-Ai sa kanyang kaarawan kundi good health at blessings para na raw sa kanyang pamilya.

NOBLE MISSION. Maaring magsilbing instrumento raw siya para mapalapit daw sa Diyos ang ilan niyang mga kasamahang artista.

“Sana meron ding mga ganung bagay na hindi lamang ako, kundi magkabuklod-buklod yung ibang mga kapatid ko na Katoliko sa industriya,” dagdag niyang pahayag.

Hindi naman daw lingid sa kaalaman ng lahat ang mga pinagdaanan niya sa kanyang personal na buhay.

Pero dahil sa patuloy niyang pagdarasal at pagkapit sa Diyos, masasabing nalagpasan daw niya ito lahat, kaya pawang papuri at pasasalamat ang idinarasal niya sa Diyos.

“Siyempre naman lahat na nangyari sa akin, alam naman ng buong Pilipinas at alam naman ni Lord kung ano ang nangyari sa buhay ko.

“Siguro isa ito sa gift Niya sa akin.

“Siguro meron siyang misyon for me, sumusunod lang ako,” saad pa ni Ai-Ai.

VATICAN VISIT. Pagkatapos nitong Investiture of Papal Award, inaayos na raw ni Ai-Ai ang pagpunta niya ng Rome na baka gawin daw niya sa January 2017.

Gusto raw niyang pumunta sa Vatican para personal siyang makapagpasalamat mismo sa Santo Papa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN