Daniel Padilla plans to resume studies

IMAGE Reielle Deslate

Daniel Padilla (shown with Kathryn Bernardo) on his plan to go back to school: "Siyempre masarap ang feeling na pumapasok ka sa school talaga at siyempre may mga natutunan kang bago na 'di mo basta-basta matututunan. Iba yung may knowledge ka sa mga bagay-bagay, e. Dire-diretso kang natututo. Gusto ko ng Psychology, Philosophy."


Para kay Daniel Padilla, sapat na ang ipinakita nilang gilas sa dramatic acting sa nakaraan nilang pelikula ni Kathryn Bernardo na Barcelona.

Dahil dito ay mas pipiliin daw nila ni Kathryn na balikan ang mga light at may pusong tema sa susunod nilang mga proyekto, at isantabi muna ang mga seryoso at mature na roles.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Daniel sa nakaraang practice game ng Team Daniel para sa Kapamilya Play Offs nung nakaraang Huwebes sa Ronac Art Basketball Court, San Juan.

Ayon kay Daniel, “Ganun na lang muna.

“Sobra naman kapag ano... ganun na lang muna.

“Siguro gagawa tayo ng mas light siguro, kasi dun sa Barcelona medyo mabigat.

“Gagawa tayo ng light na movie naman pero may puso pa rin siyempre.

“Ganun naman lagi ang ginagawa ng Star Cinema kahit na anong istorya.”

Pagbabalita ng aktor, isang serye at pelikula ang nakalinya nilang gawin sa susunod na taon.

Dagdag niya, “Magkakaroon kami ng serye saka isa pang movie ni Kathryn next year.

“Very excited naman ako sa lahat ng mga projects na binibigay, dahil iba na naman siyempre ang tema nito at challenge na naman ito sa amin ni Kathryn kung paano naman sila maipapakita sa tao.

“Hayun, excited ka lang sa mga mapapanood ng tao na bago sa iyo.”

CONCERT. Bukod dito ay magko-concert muli si Daniel sa 2017 na tiyak na aabangan na naman ng mga Kathniel fans.

“Magko-concert tayo next year. One year na nung huli akong nag-concert. Early next year.”

DANCE VIDEO. Naging viral ang video sa Internet kung saan nakikitang sumasayaw si Daniel kasama si Kathryn, Enchong Dee at Maja Salvador noong mag-show sila sa Rome para sa Kapamilya Fiesta World 2016.

Maging ang inang si Karla Estrada ay nag-share ng nasabing clip sa kanyang Instagram account,

“Oo, gusto ba ninyong sumayaw ako?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala e, 'di ko alam nung araw na yun, parang gusto kong maging dancer. Hahahaha!

“Kailangan mo ring ibigay pag minsan, so nagamit ko na minsan matagal ko na uling gagawin.

“Minsan lang yun.

“Nagka-show nga tayo para sa mga Kapamilya natin sa Rome.

“Very happy naman, mainit ang pagtanggap nila sa amin and very successful yung show.

“Importante naman mapasaya natin sila.”

BACK TO SCHOOL. Kinumpirma rin ni Daniel na magbabalik-eskuwelahan siya kung saan ang gusto niyang kuning kurso ay Psychology o Philosophy.

Aminado naman ang aktor na may kinalaman sa desisyon niya na magbalik-eskuwela sina Kathryn, ang ina ng kapareha na si Mommy Min Bernardo at ang inang si Karla Estrada

“Oo, wag ninyo muna akong batiin baka 'di matuloy.

“Siyempre masarap ang feeling na pumapasok ka sa school talaga at siyempre may mga natutunan kang bago na di mo basta-basta matututunan.

“Iba yung may knowledge ka sa mga bagay-bagay, e. Dire-diretso kang natututo.

“Gusto ko ng Psychology, Philosophy.”

ALL-STAR BASKETBALL EVENT. Sa huli ay nag-imbita si Daniel sa mga taong gustong manood ng Kapamilya Play Offs kung saan makakalaban ng Team Daniel ang Team Gerald.

“Mayroon kasi tayong tinatawag na Kapamilya Playoffs sa November 27 yan, sa MOA Arena.

“May mga makakasama tayong mga artista, magbaba-baskteball for fun and para din sa mga supporters natin na gusto ding manood ng basketball at makita kaming maglaro ng basketball.

“ABS-CBN and Star Events ang nag-organize nito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN