Macky Mathay defends Sunshine Cruz's daughters from basher

IMAGE Instagram

Macky Mathay defends Sunshine Cruz and her daughters from a basher. Meanwhile, Sunshine's daughters are happy to meet their mom's new boyfriend. 


Ipinagtanggol ni Macky Mathay ang mga anak ng kanyang girlfriend na si Sunshine Cruz mula sa isang basher na nagkomento ng hindi magagandang salita laban sa kanila ng aktres at mga anak nito.

Nitong weekend ay ipinost ni Macky sa kanyang Instagram account ang picture niya kasama si Sunshine at ang mga anak nitong sina Angelina, Samantha, at Chesca.

Sa comments section, binuweltahan ni Macky ang isang netizen (@beehive1937).

Sinagot ng kapatid ni Ara Mina ang basher dahil sa pagpatol umano nito sa anak ni Sunshine.

Sinabihan pa nito ang basher na asikasuhin na lang ang sarili nitong buhay.

@beehive1937 pati bata pinapatulan mo. Shame on you. You have your own life whoever you are so please just mind it. You have no idea as to what really happened in our lives. God bless you.”


Tila burado na ang komento ng nasabing basher, subalit kung pagbabasehan ang komento ng ibang netizens na nagtanggol kay Macky, tila tinawag ng basher na 'bold star' si Sunshine.

Tila inakusahan din ng basher ang aktres na hindi pinapayagan ang estranged husband na si Cesar Montano na makita ang kanilang mga anak, sa kabila ng sinisikap daw ng aktor na ayusin ang nasirang pamilya nila ni Sunshine.

Tila iniisyu rin ng basher si Macky sa estranged wife nitong si Camille Farinas.

Sagot ng ilang netizen sa basher, wala itong alam sa tunay na istorya ng kanilang buhay at hindi ito dapat nakikialam sa buhay ng ibang tao.




TITO MACKY. Samantala, tila suportado ng mga anak ni Sunshine ang pakikipagrelasyon ng kanilang ina kay Macky.

Sa comments section, pinasalamataman nila ang boyfriend ng kanilang ina at sinabi pa ng mga ito na umaasa silang makitang muli si Macky.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN