Rico J. Puno supports SC decision allowing Marcos burial: "Pagbigyan na natin kasi para matapos na."

IMAGE Noel Orsal

Saludo raw ang singer at komedyanteng si Rico J. Puno kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sabi pa niya tungkol sa pangulo, "Hindi lang tayo sanay na ganun ang ating pangulo. Ganun si President Duterte, e. Saludo ako diyan."


Pabor ang beteranong singer na si Rico J. Puno na ilibing na sa Libingan ng mga Bayani (LnmB) ang dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos.

Pahayag ng konsehal ng Makati City, “Oo naman.

“Alam mo, habang hindi natin pinagbibigyan, e, sinabi naman ng Supreme Court, pinag-usapan dun, hindi yung ideology.

“Pero according to the law, sa batas, ang sinasabi, pagka naging pangulo ka, naging sundalo ka, you’re allowed to be buried at the Libingan ng mga Bayani.

“E, pagbigyan na natin kasi para matapos na. Dapat lahat may ending.

“E, yung iba, magha-hunger strike, okey na yun kung gusto nila yun, pero sana matapos na.

“Kasi, sabi nga ni Presidente Duterte, let’s follow the law.”

PRESIDENT DUTERTE. Sa kabilang banda, kilala ring walang preno ang bibig ni Rico sa kanyang concerts. Palagi niyang idinaan sa kabastusan ang ilan sa kanyang spiels.

Kaya naman masasabing may pagkakapareho sila ni Presidente Rodrigo Duterte.

Ano ang masasabi niya sa bagong pangulo ng bansa?

Pabiro munang nagmura si Rico bago sumagot.

Tapos, sabi niya, “Bilib ako dun. Yun ang presidenteng akala natin ay galit tayo dahil kakaiba ang ginawa niya.

“Hindi lang tayo sanay na ganun ang ating pangulo. Ganun si President Duterte, e.

“Saludo ako diyan.

“Yung EDSA malinis, at nakakapaglakad na ang anak mo sa kalye na naka-cell phone at walang gagalaw sa kanila.

“Very good. At sana matutukan nang todo at magawa pa niya ang iba pang dapat gawin.

“Iba ito, e, ibang klaseng presidente.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rico sa presscon ng The Best of the OPM Hitmakers concert, kaninang tanghali, November 14, sa Jet 7 Bistro, sa Quezon City.

Makakasama ni Rico sa concert, na gaganapin sa December 9 sa Resorts World Manila, sina Hajji Alejandro, Marco Sison, at Rey Valera. Special guest naman si Jessa Zaragoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN