Mariel Rodriguez gives birth to a baby girl

IMAGE Instagram (@robinhoodpadilla)

Mariel Rodriguez gives birth to daughter Maria Isabella. Her husband Robin Padilla posted a video of Mariel while giving birth.


Isinilang na ni Mariel Rodriguez ang anak nila ni Robin Padilla, 7:56 A.M. nitong November 14, Lunes, sa Amerika.

Pinangalanan nila ang kanilang anak na babae na Maria Isabella.

Ipinost pa ni Robin sa kanyang Instagram account ang bahagi ng video ng panganganak ng kanyang misis.

Nanganak si Mariel sa pamamagitan ng normal delivery.

Sa bahagi pa ng video, halatang naging emosyunal si Robin.

Maririnig din ang isang miyembro ng medical team sa video na nagtanong ng: “Who’s gonna cut the cord?”

Sagot ni Robin: “I though me. I thought I’m gonna cut the cord.”

Nabigo ang action star na makakuha ng visa papuntang US upang samahan sa panganganak si Mariel.

Ito ay dahil mayroon pa rin siyang travel ban sanhi ng pagkakakulong niya noon dahil sa illegal possession of firearms.

Sa Amerika naninirahan ang mga magulang ni Mariel, na isa ring US citizen.

Matatandaang dalawang beses nakunan si Mariel bago ang pagbubuntis at panganganak niyang ito.

Samantala sa caption ng kanyang post, sunud-sunod ang pasasalamat ni Robin sa mga tumulong na alagaan ang kanyang misis hanggang sa manganak ito.

“Maraming salamat po, Mahal na Panginoong Maylikha sa biyaya ng buhay at kaligayahan.

“Nagpapasalamat po ako sa mga taong inyong inalay sa amin upang maalagaan ang aking asawa sa kanyang maselan na pagbubuntis hanggang sa panganganak.

“Ako ay nagpupugay sa iyo Tita Maricon Termulo at Eric Tamesis na nagsilbing hotel ang kanilang bahay, naging driver bodyguard ang buong pamilya at higit sa lahat ay ang haplos ng isang ina at sa iyo, Sir Abellardo Termulo sa pagpapakita ng iyong pagmamahal at suporta sa iyong anak.

“Wala po kayong katulad. Isa po kayong alamat sa pagiging ama at bilang lolo ni Maria Isabella ay sinamahan mo siya sa pagtawid mula sa sinapupunan hanggang sa pagsilang.

“Isa pong karangalan na kayo ang pumutol ng umbilical cord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako’y buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga Amerikanong nurse, midwife at staff na nagpakita ng genuine concern sa panganganak ng aking asawa.

“Maraming salamat din Analyn sa pagiging kapatid namin sa hirap at ginhawa.

“Tanggapin po ninyo ang aking paggalang at malalim na pasasalamat, Dra. Eileen Manalo, Dra. Mangubat, at higit sa lahat ako’y nagpupugay at naglulumuhod sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na nagdasal at nagsalmo para maging maayos ang kabanata na ito sa buhay ni @marieltpadilla at ni Maria Isabella de Padilla.

“Mabuhay po!!! At pagpalain nawa tayong lahat ng Panginoong Maylikha.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN