Baste Duterte responds to netizen bashing his closeness to Ellen Adarna

IMAGE @maria.ellen.adarna Instagram

Sebastian "Baste" Duterte exchanges messages with basher who disapproves of his closeness with Kapamilya actress Ellen Adarna. 


Hindi pa rin namamatay ang espekulasyon tungkol sa tunay na ugnayan ni Ellen Adarna at ng presidential son na si Sebastian “Baste” Duterte, dahil sa mga larawang ibinahagi ng aktres sa Instagram account nito kamakailan.

Sa Instagram post ni Ellen noong October 30, makikitang kumportableng nakayakap si Ellen sa likuran ni Baste nang sila ay magpakuha ng litrato.

Oh sebastian. @sebastianduterte

A photo posted by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Kasabay ng katanungan ng netizens tungkol sa tunay na estado ng dalawa, may Instagram follower si Ellen ang naghayag ng disgusto sa pagiging malapit ng aktres sa binatang anak ni President Rodrigo Duterte. 

Burado na ang naunang comment ng naturang Instagram follower, na may handle name na @jennybeuge. 

Ngunit makikita sa thread ng comments na sinagot ni Baste ang netizen na nambabatikos sa pagiging malapit ng presidential son/surfer/endorser sa Kapamilya actress.

Dalawang beses na pinagsabihan ni Baste na tumigil na ang netizen sa pambabatikos nito.

Gamit ang salitang Cebuano o Visayan, sabi ni Baste: “@jennybeuge Hilom [manahimik ka nga].” 


Sumagot naman ang netizen na “may karapatan” siyang maghayag ng kanyang opinyon.

Hirit ng basher: “Lahat may karapatan magsabi ng comments, kaya nga may comments column sa pic di ba. Dili man sakit iyaha comment, accepted ‘yan.”

Buwelta ulit ni Baste: "Hilom lagi [manahimik ka nga]."


Sa huli, sumagot ulit si Baste at pabirong sinabi na padadalhan niya ng missile ang naturang netizen.

Natawa naman ang netizen at saka iginiit na binura na nito ang Instagram comment na maaaring nakasakit kina Baste at Ellen.


BASTE'S 29TH BIRTHDAY. Sa hiwalay na Instagram post ni Ellen noong November 2, muling nagbahagi ang Kapamilya star ng larawan kasama si Baste.

Kalakip nito ang caption kung saan naghayag si Ellen ng mensahe para kay Baste, na nagdiwang ng ika-29 kaarawan nito noong November 3. 

Dito ay inilarawan ni Ellen si Baste bilang "pinaka hindi maarte na tao."

Gamit ang salitang Cebuano, inihayag din ni Ellen na marami na naman daw netizens ang mapapaisip sa panibagong larawan nila ni Baste.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base pa rin sa caption ng kanyang Instagram post, pabirong dagdag ni Ellen na wala siyang perang pangregalo kaya ililibre na lang niya ng inuman si Baste.  

MEETING IN SIARGAO. Matatandaang noong May 30, nagbahagi si Ellen ng larawan nila ni Baste na magkasama sa Siargao.

Pinagmulan din ito ng usap-usapan tungkol sa estado ng relasyon ng dalawa.

Ngunit agad ding nilinaw ng aktres na walang namamagitan sa kanila ng binata. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN