Rhian Ramos inspired 'to do something' after reading messages from other victims

IMAGE Noel Orsal (Rhian Ramos)

Rhian Ramos receives messages from a number of women who have experienced sexual harassment following her post about a guy who "sexually harassed" her. She says, "I'm shocked at how often it happens and how similarly we've all felt when it did."


Isang bagong mensahe ang ipinost ni Rhian Ramos sa Instagram ngayong Lunes, November 14, kasunod ng pagsisiwalat niya tungkol sa unjust vexation na nangyari sa kanya noong nakaraang linggo.

Bagamat parehong uri ng harassment, ang unjust vexation ay tumutukoy sa mga insidente sa labas ng workplace o trabaho; habang ang sexual harassment ay tumutukoy sa mga insidente na nangyayari sa workplace, kung saan sangkot ang kasamahan sa trabaho o may mataas na katungkulan.

Matatandaang sa Instagram post ni Rhian nitong weekend, inilahad niya ang panghihipo diumano sa kanya ng isang di pinangalanang lalaki nang lumabas siya kasama ang ilang kaibigan kamakailan.

Read: Rhian Ramos calls out man who 'sexually harassed' her: "What did I do to ask for this?"

Sa panibagong post ni Rhian ngayong linggo, pinasalamatan niya ang mga nagpadala sa kanya ng direct messages (DM) at mga komento, at mga nagbahagi ng kani-kanilang karanasan tungkol sa sexual harassment o unjust vexation.

Ikinagulat daw niya kung gaano karami ang mga nakaranas nito at pare-pareho ang kanilang naramdaman.

Pahayag ni Rhian, “I’d like to thank all the people who, either through DM or comment, shared their stories.

“I’m shocked at how often it happens and how similarly we’ve all felt when it did.

“We all seem to have our own reasons for why we did nothing, because of shock, shame, you thought you could have been blamed, fear that no one would believe you, not wanting to make a scene, maybe you were abroad and could have gotten into trouble.

“It just always seems that somehow, doing something comes with the possibility of it backfiring at you… and let’s face it, these incidents are so common and casually thought of that, if someone were to make a 'big deal' out of it happening to her, that’s exactly what people would think: that she’s just making a big deal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isn’t it crappy how unhelpful we’ve all become.”

PROMISE TO DO SOMETHING. Ayon pa kay Rhian, na-inspire siya sa mga babaeng gumawa ng hakbang matapos silang ma-harass.

Nangako rin siyang gagawa ng sarili niyang hakbang hinggil sa problemang ito.

“I’m inspired by the women who fought back, but also doubly inspired by the women who never got the chance.

“Thank you again for sharing, and I promise to do something about this problem.

“So many thanks to all who have called and offered to help me with this.

“In terms of media & social media, for now I’d like to return to regular programming.

“I’d like to encourage everyone to protect one another though.

“Kindness and respect make all the difference."

A photo posted by Rhian Ramos (@whianwamos) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN