Ethel Booba reconciles with estranged father after 15 years

IMAGE Jojo Gabinete

Ethel Booba on reunion with her estranged father: "Ang stepmom ko ang naging balakid. Siya yung hindi kami binibigyan ng chance na makita yung father ko. Talagang kumakatok ako sa GenSan, itinatago niya talaga yung father ko, inila-lock niya. Nung nategi yung stepmom ko last year [saka kami nagkaayos ng father ko]."


Masayang ibinalita ni Ethel Booba na nagkaayos na sila ng kanyang ama pagkatapos ng 15 taong hindi pagkakasundo.

Nagkaroon daw ng pagkakataong muling magkita ang mag-ama nang pumanaw ang stepmother ni Ethel noong nakaraang taon.

Lahad ng comedienne, “Ang stepmom ko ang naging balakid. Siya yung hindi kami binibigyan ng chance na makita yung father ko.

“Talagang kumakatok ako sa GenSan, itinatago niya talaga yung father ko, inila-lock niya."

Matatandaang noon pa man ay bukas na si Ethel sa pagsasabing “mabigat” ang pinagdaanang hirap ng kanyang pamilya.

Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, napunta ang comedienne sa poder ng kanyang ina, habang ang ama niya ay nagkaroon ng ibang pamilya sa kanilang hometown sa General Santos City (GenSan).

Panganay si Ethel sa limang magkakapatid. Hiwalay pa rito ang mga kapatid sa ama at kapatid sa ina ng comedienne.

At nitong nakaraang taon nga ay pumanaw na ang kinakasama ng kanyang ama.

Patuloy na kuwento ni Ethel, “Nung nategi yung stepmom ko last year [saka kami nagkaayos ng father ko].

"Nung nawala na yung stepmother ko, mabuti yung anak niya mabait. Siguro nangulila rin sa nanay.

“Nakipag-close ako sa kanya, na parang binibigyan ko siya ng payo. Twenty-two years old siya, babae.

“Siya yung naging bridge namin ng father ko para mag-meet kami ulit.”



WITTY PUNCHLINES.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ethel sa presscon ng libro niyang inilathala ng VRJ Books, ang #Charotism: The Wit and Wisdom of Ethel Booba.

Dito ay ibinahagi ni Ethel na hindi pa rin siya makapaniwalang naisalibro ang witty punchlines na hilig niyang i-post sa kanyang Twitter account.

“Ang feeling ko, nakokornihan ako. Nagulat ako, napansin, may dating pala. Hindi ko inaakala na may matatamaan pala.

“Parang general ito, sa lahat ito, hindi ito yung may tinutukoy ako na tao. So, ang ganda lang ng kinalabasan na napansin siya. Gusto pala ng masa na ganoon lang. Na hindi masyadong hard [content].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil book author na siya, may dapat bang panghinayangan ang mga ex-boyfriend niya?

Pabirong sagot ni Ethel, “Who you kayo ngayon!”

Sa mga sumunod na tanong ng PEP, ipinamalas ni Ethel ang kanyang likas na pagiging komedyante.

Malaki na ba ang ipinagbago niya?

Kuwelang sagot ulit ng sexy comedienne, “Oo, sobrang marami nang nagbago. Di ba?

"Nakita niyo naman ang ilong ko, nagbago na talaga. Ang tangos, di ba?”

May bashers ba siya?

Pabirong hirit ni Ethel, “Nagta-taxi ako, hindi ako nagba-bash.”

Nagpapaapekto ka ba sa bashers?

Sagot ulit ni Ethel, “Hindi! Malay mo, ako rin pala yun? Gumawa lang ako ng account, bina-bash ko sarili ko!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN