Sen. Tito Sotto defends Pacquiao, Bato in Las Vegas trip controversy

IMAGE Noel Orsal / GMA Network

Ayon kay Senator Vicente 'Tito' Sotto III, kung krimen mang matatawag ang panlilibre ni Senator Manny Pacquiao kay General Ronald "Bato" dela Rosa sa biyahe nito papuntang Las Vegas, hindi raw ito saklaw sa batas ng Pilipinas.


Dinepensahan ni Senate Majority Floor Leader Vicente 'Tito' Sotto III si Senator Manny Pacquiao sa ginawa nitong panlilibre kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald 'Bato' dela Rosa sa Las Vegas trip nito, upang makapanood ng kanyang laban kay Jessie Vargas noong November 6.

Ngayong araw, November 15, nag-tweet si Senator Sotto tungkol sa isyung ito.

Sabi niya, “Ang hindi ko maintindihan ay kung anong batas sa Pilipinas ang na-violate ni Gen. Bato at Manny, eh sa Las Vegas nangyari yun?”

Sa isa pa niyang tweet, sinabi ng Eat Bulaga! host: “Sa Las Vegas nangyari, therefore, not within the jurisdiction of the Philippines.”

Matatandaang nitong nakaraang Biyernes, November 11, inanunsiyo ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na magsasagawa sila ng imbestigasyon tungkol sa biyahe ni Dela Rosa sa Las Vegas.

Bawal daw kasi para sa isang government official na tumanggap ng pabor mula sa isang tao.

Ayon sa Presidential Decree 46, may karampatang parusa ang isang public official at empleyado ng gobyerno na tumatanggap ng mga regalo sa kahit anong okasyon.

Nakasaad din ito sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

“HINDI DITO NANGYARI.” Sa panayam ng Inquirer.net, sinabi ni Senator Sotto na nagtanong na siya sa isang huwes tungkol dito.

Aniya, “Judge nga ang pinagtanungan ko, e. Ang krimen, ginawa sa Las Vegas.

“Kagaya ko, madalas akong maimbitahan, ang nagbabayad ng kinakain ko ay yung nag-imbita.

"Ang ibig sabihin ba magprisinta ako na ako na magbayad, kasi senador ako, baka ma-charge ako? Katulad nun, inimbitahan ni Sen. Pacquiao si Dela Rosa.

“Pero ang issue dun is hindi dito nangyari. Yun ang aking punto. Tanungin niyo yung mga abogado.”

Diin pa niya, kung krimen nga ang nagawa nina Pacquiao at Dela Rosa, hindi sila mananagot sa batas ng Pilipinas.

"Ganun ang batas. Hindi mo dito sa Pilipinas ginawa yung krimen, hindi ka mananagot dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Doon ka mananagot sa pinaggawan mo ng krimen, kung krimen yung ginawa mo."

WHY NOT INVESTIGATE YOLANDA FUNDS? Sa ulat ng GMA News Online kahapon, November 4, sinabi ni Senator Pacquaio na walang masama sa kanyang paglibre kay PNP Chief Dela Rosa.

Sinabi pa niyang dapat ang tutukan ng Ombudsman ay ang ‘corrupt activities’ lalo na ang bilyong-pisong Yolanda rehabilitation funds.

"Minsan, ano rin natin… may mga bagay na dapat nating tutukan, especially ang corruption, lalung-lalo na 'yan.

"Kailangan maipaliwanag kung saan napunta yung funding ng Yolanda.

"Ang mga naghihirap nating kababayan na wala pang mga bahay, nangangailangan pa sila ng tulong, e, nasaan yung pera?

"Yun ang kailangan nating imbestigahan... Yun ang dapat nating unahin.

"Hindi yung gagawa ka ng butas dahil kalaban mo."

Yun ang dapat nating unahin. Hindi yung gagawa ka ng butas dahil kalaban mo - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/588774/news/nation/why-not-probe-yolanda-funds-misuse-instead-says-pacquiao#sthash.skzIs1a8.dpuf
’Yun ang dapat nating unahin. Hindi yung gagawa ka ng butas dahil kalaban mo,” - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/588774/news/nation/why-not-probe-yolanda-funds-misuse-instead-says-pacquiao#sthash.skzIs1a8.dpuf
’Yun ang dapat nating unahin. Hindi yung gagawa ka ng butas dahil kalaban mo,” - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/588774/news/nation/why-not-probe-yolanda-funds-misuse-instead-says-pacquiao#sthash.skzIs1a8.dpuf

Dagdag pa niya, walang malisya ang ginawa niyang paglibre kay Dela Rosa.

“Sa amin mga Bisaya, wala kaming iniisip na masama or ano.

"Ang hangarin namin ay magserbisyo, linisin ang ating bansa at magkaroon ng matiwasay na pamumuhay ang mamamayan."

DUTERTE DEFENDS PACQUIAO. Sa courtesy call naman ni Manny kay Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, pinuri ng presidente ang pagdepensa nito kay General Dela Rosa.

Sabi ng pangulo, na nakatala sa sa ABS-CBN News Online, “Tama yung pagdepensa mo kay Bato.

"Ang dinonate mo, yung skill mo. It is a donation kung sabihin mo paano niya makita yung skill mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyung expenses, kaya mo man, commensurate to your wealth.

"So, ang binayaran mo doon, para mapapanood niya ang skill mo. There is no criminal liability.”

Samantala, sinabi naman ng tagapamuno ng pambansang pulisya na kung mali man ang kanyang pagtanggap sa panlilibre ni Pacquiao, handa siyang magpakulong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN