President Rodrigo Duterte grants absolute pardon to Robin Padilla

IMAGE GMA News on Twitter

Dalawang malaking blessings ang natanggap ni Robin Padilla ngayong araw ng Martes, November 15. Una, ang pagsilang ni Mariel Rodriguez ng panganay nilang anak at, pangalawa, ang pag-grant sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon.


Dalawang 'blessings' ang natanggap ng aktor na si Robin Padilla ngayong araw, November 15.

Una, ang pagsilang ng panganay nilang anak ng asawang si Mariel Rodriguez sa Amerika na si Maria Isabella.

Read: Mariel Rodriguez gives birth to a baby girl

Pangalawa, ang pag-grant sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, nakatakda lang sanang makipagpulong si Robin kay Pangulong Duterte ngayong gabi, ngunit laking gulat daw ng aktor pagdating niya sa Palasyo dahil nakahanda na ang kanyang pardon papers.

Taong 1994 nang mahatulan si Robin ng 21 taong pagkakakulong dahil sa salang illegal possession of heavy firearms.

Tatlong taon siyang nakulong sa National Bilibid Prison (NBP).

April 1997 nang mabigyan siya ng conditional pardon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Nakumpleto nito ang pagsisilbi sa conditional pardon noong taong 2003.

Matagal nang nanawagan si Robin sa gobyerno ng Amerika na bigyan siya ng US visa upang makapiling ang asawang si Mariel habang hinihintay nila ang kabuwanan nito doon.

Pero dahil sa kanyang criminal record, hindi mabigyan-bigyan ng US Embassy ng visa si Robin.

Ngayong naibalik na kay Robin ang kanyang civil at political rights, mabibigyan na kaya siya ng US visa?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN