Ipinaliwanag ni Rufa Mae Quinto kung bakit November 25, 2016, Biyernes, ang pinili nilang petsa ng kanyang Filipino-Chinese fiancé na si Trevor Magallanes para sa kanilang kasal.
Ayon sa aktres, double celebration na rin ito dahil kinabukasan, November 26, ay birthday ng kanyang soon-to-be husband.
Caption ni Rufa Mae sa kanyang IG post: "We decided to celebrate our love together, thanks for throwing an engagement party for us!
"Yes! The day we got engaged, and the rest is history, we chose #November25, 2016 because it's his birthday #nov26 and thanksgiving na din!"
Ikinuwento rin ng sexy comedienne na dapat sana ay noong February 3, 2016 pa sila ikinasal sa San Francisco, California, USA, kung saan nakatira at kung saan niya nakilala ang kanyang fiancé.
"Pero we cancel our wedding sa city hall sa downtown San Francisco kahit naka-reserve na at may license na kami to get married there."
Gusto raw kasi ng pamilya ng kanyang fiancé na magkaroon ng "real nice wedding" at sumang-ayon naman sila.
Message naman ni Rufa Mae kay Trevor: "Thank you, my love, for giving me a chance to show the very best in me, and for making me feel special since the day we've met nakaka-touch and nakakatuwa ang moment na ito."
Samantala, ipinost din ni Rufa Mae ang paghahanda nila ni Trevor sa nalalapit nilang pagpapakasal.
