John 'Sweet' Lapus talks frankly about his loveless sex life

IMAGE Glenn Regondola

Actor-comedian John 'Sweet' Lapus talks frankly about his loveless sex life: "Na-realize ko, nag-invest ka pa ng emosyon, binibigyan ko rin ng allowance. Ano ang pinagkaiba doon sa gawin mo na lang regular kahit hindi mo naman dyowa?"


Nagbukas ng kanyang saloobin si John 'Sweet' Lapus tungkol sa kanyang love life.

Aniya, "Pinaka-last ko, dancer… sa TV, ha, hindi macho dancer.

“Same story, may asawa't anak, ninong ako ng anak, automatic yun.

"Yung second ko naman, may atraso sa akin, may kaululang ginawa sa akin."

So, sarado na ang puso niya para sa bagong pag-ibig?

Sagot niya, "Wala, regular lang, apat.

"Yung dalawa, masahista, yung isa... hindi, hindi ako pa-service.

"Girl ako at saka conservative, hindi ako nagpapaano.

“Pangatlo ko kasi, since ten years ago, so wala lang.

“May drama lang ako na strike three, out, may ganun na.

"Na-realize ko, nag-invest ka pa ng emosyon, binibigyan ko rin ng allowance.

"Ano ang pinagkaiba doon sa gawin mo na lang regular kahit hindi mo naman dyowa?

"At saka in fairness naman sa akin, 'Day, monogamous ako kapag may dyowa ako.

"Pag may dyowa ako, sa kanya lang ako, so semi-live in ang mga dyowa ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang batikang komedyante sa presscon ng pelikulang Working Beks, na ginanap sa Viva Studio, sa Quezon City, noong November 13.

HIS KIND OF GUY. Si TJ Trinidad daw ang type ni Sweet sa dalawang tunay na lalaking gumaganap na gay sa Working Beks.

Ang isa ay si Edgar Allan Guzman, pero parang kapatid daw ang turing dito ng actor-comedian.

Pahayag ni Sweet, ”Hindi kasi ako naaano sa kanya, kaibigan ko 'yan, e, little brother ko na.

"Si TJ, laban, gusto ko yung ganung tao.

"Yung mag-uusap muna kayo… bihira ako naa-arouse sa hindi ko nakakausap.

"Maski nga rekomendado ng friend, halimbawa sa birthday ko, 'May regalo ako sa iyo, anak.'

"Tsitsikahin ko muna."

Bakit ganun na ang drama niya?

Aniya, "One, matanda na ako, bumaba na ang libido ko.

"Depende rin siguro sa sitwasyon… out of town ka, resort na walang CCTV, yun yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Co-star din ni Sweet sa pelikula si Prince Stefan, na umamin kamakailan na gay.

Ayon kay Sweet, type niya si Prince—dati.

Pero ngayon daw, “Hindi na, hindi na, mula nung umamin 'yan last year, wala na.

"Sa akin kasi, the moment na umamin... may nagbigay nga sa akin ng title na 'Queer Mother.'

"Sabi ko nga, ang sweet naman."

Pero sa isang panayam sa kanya, nasabi ni Sweet na baka patulan din daw niya sa Prince kapag nakainom na sila ng tequila.

Pabirong hamon ni Sweet, "Try namin ngayon… lalasingin ko 'yan.”

Pero mabilis niyang idinugtong na si Prince mismo ang nagpaalala sa kanyang hindi sila talo.

“Sabi nga niya, mare-mare na lang kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN