Ethel Booba admits relationship with a Frenchman: "Pang-foreigner talaga ako."

IMAGE Glenn Regondola

No longer a fool for love, Ethel Booba says she has learned her lessons from her past relationships. "Medyo kontrol na din ako, pinag-aaralan ko na rin ang lalaki," she shares.


French ang boyfriend ngayon ni Ethel Booba.

Wala siyang masyadong detalyeng ibinigay tungkol dito.

Ang sabi lang ng sexy comedienne ay seryosong relasyon ito, pero hindi siya sigurado kung sila na ang magkakatuluyan.

"Nasa Qatar siya, yun... pang-foreigner talaga ako," sambit niya.

Pero totoo ba na sa mga naging boyfriend niya, ang dating PBA player na si Alex Crisano ang greatest love niya?

Halos pasigaw na sagot ni Ethel, "Hindi, a! Siya ba?

"Meron non-showbiz, hindi celebrity.

“Friend pa rin kasi kami, e. Kami ni Alex, enemy pa rin.

"Pero okey na kami, nag-sorry nga siya sa akin.

"Nung nagkita kami, sabi niya, 'Wala nga akong... kumuha nga ako ng katulad mong sexy. Madaming tattoo, pero hindi pa rin maano yung pag-aalaga mo sa akin.'

"Sabi ko naman, 'Kumuha ka ng yaya, why don't you get a nanny?'

"Iba yung ano ko sa kanya, di ba?"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ethel sa launching ng kanyang unang libro sa VRJ Books, ang #CHAROTISM: The Wit and Wisdom of Ethel Booba na ginanap sa Viva Studio, kahapon, November 15.

WISER. Dahil na rin sa mga pinagdaanan niya sa mga lalaki, natuto na raw si Ethel kung paano dalhin ang kanyang love life.

Aniya, "Alam ko na din kung chinarot ka lang.

"Kung may natutunan ako? Madami.

"Actually, nakakatulong sa akin yung Boobarians, natututo din ako sa kanila.

"Malaking tulong sa akin na yung bago ako mag-tweet, niri-review ko muna ang lahat.

"Pipili lang ako ng isa bago ko sagutin."

Hindi na raw siya kayang bolahin ngayon ng mga lalaki.

"Sa tanda kong ito!" bulalas niya.

"'Yan siguro ang ipinagdadasal ko lagi, huwag na akong makatagpo ng lalaki na...

"Medyo kontrol na din ako, pinag-aaralan ko na rin ang lalaki."

BOOK TWO? Samantala, marami nga raw ang nagsa-suggest kay Ethel na gumawa siya ng Book Two ng #CHAROTISM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Open siya tungkol sa kanyang love life at sex life, ito kaya ang inaabangan ng mga mambabasa?

Tumanggi sa una ang baguhang book author, "Ay, hindi naman siguro,” na binawi rin niya.

"May mga ganun na kasi... depende, puwede naman talaga.

"Kahit ano, puwedeng gawin, kaso nga lang meron nang ganung book.

"Sa mga sex stores, meron nang mga ganun.

"Puwede sigurong pa-joke time, bet niyo yun, ano?"

Kung joke ang susunod niyang libro, pantapat ba ni Ethel ito sa Stupid Is Forever ng yumaong si Senator Miriam Defensor-Santiago?

Mabilis na sagot ng 38-year-old comedienne, "Hindi naman, grabe, bonggang-bongga yun.

"Iba si Madam, iba yun, one of the legends.”

Pagbibiro pa niya, “Baka multuhin ako, ha?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN