Mocha Uson: "Magbangayan tayo sa social media, pero magtulungan tayo sa lipunan."

IMAGE Noel Orsal

Performer-blogger Mocha Uson says bashing and argument of netizens in social media is healthy, but reminds people, pro- or anti-Duterte, to help each other too. 


Ipinaalala ng performer-blogger na si Mocha Uson ang kahalagahan ng pakikipagpalitan ng opinyon o diskurso sa social media, pero nanawagan din siyang magtulung-tulungan para sa lipunan.

Pahayag ni Mocha sa kanyang Facebook Live kagabi, November 15, “Marami po tayong pagkakaiba ng opinyon, di ba? Nagbabangayan tayo sa social media.

“Okay po yun, e, para magkaroon ng exchange of opinions."

Ngunit paalala ng avid supporter ni President Rodrigo Duterte, “Pero sana rin po both parties — anti [administration], o pro — ngayon po yung pagkakataon na makapag-contribute tayo ng positibong action sa lipunan natin.”

Kaugnay ito ng panawagan ni Mocha na magkaisa upang tulungan ang maraming pamilya na naapektuhan ng sunog sa Mandaluyong City kamakailan.

Sundot pa ni Mocha, walang masama sa pakikipagbangayan sa social media, pero kailangang magtulungan kung kinakailangan.

“'Yan naman po ang lagi nating pinapaalala sa bawat bashing, comment, bawat bangayan sa social media, dahil nae-enjoy po natin ang ating freedom of expression, freedom of speech.

“Sabayan po natin ng positibong aksyon dahil yun naman ang importante, e. Magkaroon ng mas magandang Pilipinas, kaya kailangan po nating magtulungan.

“Magbangayan tayo sa social media, pero magtulungan po tayo sa lipunan natin.”

Saad pa niya, "Nanawagan po ako sa ating mga kababayan, ka-DDS [die-hard Duterte supporters] man o hindi, Duterte supporter man o hindi, pro o anti, patuloy po tayong magbangayan sa social media dahil, sa totoo lang po, healthy nga yun dahil both sides naririnig yung saloobin, hindi lang yung iisang side.

"Pero sa lipunan po natin, magtulungan po tayo."

Mayroon nang higit 4 million followers sa Facebook si Mocha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN