Richard Gomez denies allegations of Albuera police chief: "Sino ba sa ating dalawa ang killer?"

IMAGE Facebook / Noel Orsal

Mariing itinanggi ni Mayor Richard Gomez ang paratang ni Albuera chief of police Chief Inspector Jovie Espenido na gusto raw niya itong ipapatay. Ayon sa alkalde ng Ormoc City, "Let me remind you, based on public records, you killed an innocent young man in the terminal of Ormoc City some years back. Sa presinto ka na lang magpaliwanag."


Binuweltahan ni Ormoc Mayor Richard Gomez ang akusasyon ni Chief Inspector Jovie Espenido, chief ng Albuera Municipal Police, na pinagbantaan daw ng actor-politician ang kanyang buhay.

Base sa panayam ni Noli de Castro sa dzMM ngayong Huwebes, November 17, sabi ni Espenido, “Maski hindi pa, wala pa ‘yang affidavit ni Mayor [Rolando] Espinosa Sr., talagang pinipersonal na ako ni Mayor Richard.

“Yun nga, ang RD [regional director] ko nga ang nagsabi na nagpunta siya doon, sinabihan niya na, 'RD, uubusin ko ‘yang intelligence fund ko, mamatay lang ‘yan si Espenido.'”

Ayon pa kay Espenido, nagsimula ang sigalot nila ni Richard bago pa man niya tulungan ang napaslang na si Mayor Espinosa ng Albuera, Leyte, na gumawa ng affidavit, kung saan isinalaysay nito ang public officials na nagkakanlong diumano sa drug dealings ng anak nitong si Kerwin Espinosa.

Si Kerwin ang pinaniniwalang pinakamalaking drug lord sa Eastern Visayas.

Isinisi rin ni Espenido kay Richard ang pagbaligtad ng kanyang tatlong mapagkakatiwalaang tauhan at sa pagbabago ng mga ito ng kanilang sinumpaang salaysay hinggil sa mga taong pinoprotektahan niya diumano.

Ang mga ito ay sina Galo Bobares, Max Miro, at Brian Zaldivar.

Sa kanilang bagong salaysay, inakusahan nila si Espenido at isa pang babaeng pulis na gawa-gawa lamang daw ang kanilang mga naunang salaysay.

Read: Richard Gomez asks President Duterte and PNP Chief Dela Rosa 'to wipe out bungling cops'

Ngunit itinanggi ito ni Espenido.

Sabi niya, protektado ni Richard sina Galo, Max, at Brian.

Ang mga bagong salaysay diumano ng mga ito ay ginawa sa harap ni Atty. Adelito Solibaga Jr., ang abudago ni Richard nitong nakaraang May 2016 elections.

Ayon pa sa Albuera police chief, ang orihinal na mga salaysay ng tatlo ay ginawa sa harap ng kani-kanilang mga abogado at hindi sila ikinulong pagkatapos kunan ng pahayag.

Kahapon, November 16, nagsampa na si Richard ng mga kasong administratibo laban sa tatlong pulis ng Albuera, kabilang na si Espenido.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Mayor Richard Gomez files administrative cases vs three police officers over drug allegation

RICHARD DENIES ALLEGATIONS. Sa pamamagitan ng text messaging, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard ng kanyang sagot sa mga alegasyon ni Espenido.

Kaagad namang sumagot si Richard.

Pahayag ng mayor ng Ormoc, “Let him continue with his lies.

"I am filing another case against him, this time a libel case.

“Tell him to explain the rubout he was responsible for when he first raided the house of Mayor Espinosa last August 3 or 4.”

Sa kasunod na bahagi ng pahayag ni Richard, direkta niyang sinabi kay Espenido: “First, you accuse me of being a drug protector.

“Then, desperate as you are because your abuse of authority is now catching up with you, you accuse me next of wanting to kill you.

“You are a scriptwriter and lahat ng gawain mo pinapahid mo sa inosente.

“Sino ba sa ating dalawa ang killer?

"Let me remind you, based on public records, you killed an innocent young man in the terminal of Ormoc City some years back.

“Sa presinto ka na lang magpaliwanag.”

Pahabol pa ng aktor-pulitiko: “Also, tell him to explain why he is in Digong's [President Rodrigo Duterte] drug list at Number 118.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN