Edgar Allan Guzman refuses to comment about closet gays in showbiz

IMAGE Noel Orsal

Edgar Allan Guzman on closet gays in showbiz: "Maririnig at maririnig mo rin naman 'yan. Marami namang ganun, pero siyempre hindi ko pinapaano yung ganun. Ayokong maging judgmental. Nire-reverse psychology ko na lang na, 'Hindi naman.' Pero, may ganun nga."


Tumanggi ang aktor na si Edgar Allan Guzman na sagutin ang tanong kung may kakilala ba siyang closet gays sa showbiz.

Ito ay base na rin sa role na ginagampanan niya bilang matinee idol na closet gay sa pelikulang Working Beks ng Viva Films.

Natatawang sabi ni Edgar Allan sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sabi ko na nga ba, e!

“Ayaw kong magsalita. Ayaw kong magsalita talaga.

“No comment ako kasi, siyempre, di ako sure.

“Pero sa mga kaibigan kong artista, yung talagang mga kaibigan ko talaga, wala akong kilala. Hindi ako aware sa ganun.

“Siyempre sa mga kapwa ko artista, wala akong alam.

“Hindi naman akong marunong tumingin kung bading ba o hindi.”

Pero aware ba siyang mayroon talagang ganun sa showbiz?

Sagot ng aktor, “Oo naman. Maririnig at maririnig mo rin naman ‘yan.

“Marami namang ganun, pero siyempre hindi ko pinapaano yung ganun.

“Ayokong maging judgmental.

“Nire-reverse psychology ko na lang na, 'Hindi naman.'

“Pero may ganun nga.”

Paano kung sakaling ang kaeksena niya ay isang aktor na pinagdududahan ang pagkalalaki? Nagiging maingat ba siya?

Tugon ni Edgar Allan, “Wala, hindi.

“Siguro naman hindi niya ako tsatsansingan sa eksena.

“Kasi minsan, kaibigan ko sa mga teleserye o sa pelikula. Kumbaga, hindi ako naiilang.”

GAY BROTHER. Hindi rin daw takot si Edgar Allan sa mga beki.

Giit ng 26-year-old actor-singer, “A, hindi. May kapatid din akong gay.

“Kaya kapag nakakakita ako na gay person, nakikipagbiruan ako.

“Yung kuya ko, para ring si Prince [Stefan], kaya naiintindihan ko ang feelings niya.

“Yung kuya ko, kasama ko sa bahay, kaya alam ko ang galaw niya.

“Kaya malapit din ako sa gays. Open ako sa kanila.

“Kasi kung ano ang trato ko sa kuya ko, ganun din ako sa kanila.”

Samantala, dahil nabanggit na rin niya ang kanyang co-star na si Prince, na nag-out na ngayon, marami ang curious malaman kung siya ba ay niyaya rin nitong maligo sa bathtub, katulad ng ginawa nito kay Aljur Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni EA, “Sabi ko nga sa kanya, nung huli kaming magkatrabaho ni Prince sa GMA… 'Bro' ang tawag ko sa kanya.

“So, nung magkita kami ulit, hindi ako aware na out na pala si Prince.

“So, nung magkita kami, sabi ko, 'Bro....'

“Tapos, ang tawag niya sa akin, 'Bhe, how are you? Good to see you again. Oh, my God!'

“Nagulat ako, nagulat talaga ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN