McCoy de Leon on courting Elisse Joson: "Gusto ko naman talaga. Dinadahan-dahan lang."

IMAGE Mark Atienza

McCoy de Leon admits that loveteam partner Elisse Joson is happy when they are together: "Nakikita ko sa kanya, ramdam ko sa kanya kung ano yung... Sa mga mata pa lang niya, alam kong natutuwa siya, hindi porke't nasa harap ng kamera lang. Nakakasama ko siya, behind cam kami, nakikita ko naman sa kanya yung ganung kasiyahan."


Ang McLisse nina McCoy de Leon at Elisse Joson ang pinakabagong tandem na sumusunod sa yapak ng iba pang Kapamilya love teams—katulad ng KathNiel, JaDine, LizQuen, at KimXi—kung popularidad lang naman ang pinag-uusapan.

Ramdam ito sa out-of-town shows, mall tours, at maging sa product endorsements, kung saan kinuha silang endorsers ng isa sa pinakamalaking fastfood chain sa bansa.

Dahil dito, sila na raw ang pinakabagong tandem na minamahal ng publiko sa ngayon.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si McCoy, nagbukas ito ng kanyang saloobin tungkol sa bagay na ito.

Aniya, “To be honest po, natutuwa po kami dahil marami na rin ang sumusuporta.

“Pero hanggang dun lang, ayaw naming ipasok sa utak namin na… hangga't maaari, kung ano yung work namin, ginagawa pa rin namin.

“Nagiging natural pa rin kami. Kung ano ang ikinatuwa ng tao sa amin, ganun pa rin ang ginagawa namin.”

Dugtong pa ni McCoy, “I feel so humbled na nahihilera kami sa mga love team ngayon.

“Pero marami pa kaming dapat patunayan pa.

“Nag-uumpisa pa lang kami [ni Elisse], at sila ang aming role models at inspirasyon.

“Sana makamit din namin yung kinatatayuan nila.”

PBB HOUSE. Sa tingin ba niya ay plinano talaga ng ABS-CBN management na ilabas sila sa loob ng Bahay ni Kuya para ma-groom nang husto ang love team nila na nagsimula sa Pinoy Big Brother Lucky 7?

Ayon kay McCoy, “Hindi po. Hindi po namin in-expect na nung nasa loob kami, na ganito pala ang epekto nun sa ibang tao.

“Never naman talagang nagkaroon na, kunyari, 'O kayo, love team na kayo.'

“Siguro nakita lang nila yung natural naming relasyon o natutuwa lang sila sa tunay na ipinakita namin.

“Ayun, ipinapagpatuloy lang namin kung ano yung ipinakita namin sa loob po.”

REAL SCORE. Samantala, marami ang gustong malaman kung ano na ang estado ng relasyon nina McCoy at Elisse ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad ba ito ng JaDine nina James Reid at Nadine Lustre na hayag sa publiko ang kanilang relasyon?

O katulad ba ito ng ibang love teams na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaamin kung nag-level up na ang friendship zone nila?

Sagot ng 21-year-old Hashtags member, “Sa totoo lang po, meron talaga kaming samahan talaga.

“Actually, hindi ko alam ang tamang term, pero masaya kami tuwing magkasama kami.

“Masaya kami.”

Nanliligaw na ba siya kay Elisse?

Sabi ni McCoy, “Hindi naman po ako nagmamadali.

“Bilang lalaki, ako dapat yung mag-step in.

“Dinadahan-dahan ko rin, kasi pangit naman na parang...

“Ilang months pa lang kami, parang...

“Gusto ko naman talaga [si Elisse]. Dinadahan-dahan lang.”

Kung pagbabasehan ang reaksiyon ni Elisse tuwing nakakapanayam ito ng press tungkol kay McCoy, mukhang positibo naman ang dalaga.

Nakaka-encourage ba ito kay McCoy na ituloy ang anumang plano niya sa kapareha?

Tugon niya, “Opo, yun na nga po ang sinasabi ko, yung pagiging natural namin, hindi yung pilit.

“Nakikita ko sa kanya, ramdam ko sa kanya kung ano yung...

“Sa mga mata pa lang niya, alam kong natutuwa siya, hindi porke't nasa harap ng kamera lang.

“Nakakasama ko siya, behind cam kami, nakikita ko naman sa kanya yung ganung kasiyahan.”

Ibig bang sabihin nito ay malaki ang pag-asang sagutin siya ni Elisse?

Ani McCoy, “Siguro siya pa rin ang makakasagot niyan.

“Ako lang ang gagawa ng way po.”

Sambit pa ng binata, “Sana, gusto ko po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN