Prince Stefan dishes on popular actor and his boyfriend: "Hindi ko sila ia-out."

IMAGE Prince Stefan Instagram

Prince Stefan on sex change: "Okey namang maging bakla, huwag mo lang... Para sa akin... pero no judgment din sa mga nagpagawa na. Siyempre choice nila yun. Parang ako, okey na akong lalaki pa ring magdamit, lalaki pa ring magsalita."


Nilinaw ni Prince Stefan ang tungkol sa nakarelasyon niya diumanong male star noon na ayaw na niyang pangalanan.

Sabi niya, “Ay, hindi ko alam. Ay, hindi naman yun… di ko alam.

“Grabe, ibang istorya naman yun. Baka nagkalandian lang kami.

“E, kung ano ang narinig nila, we're friends.

“Minsan bumibisita ako sa... wala, wala friends lang kami.”

Kasunod nito ang pambubuking ni Prince sa isang aktor na matagal nang pinagdududahan ang pagkalalaki.

Ngunit ayaw rin niyang banggitin ang pangalan nito.

Saad ng 27-year-old actor, “Mas friend ko talaga yung boyfriend niya.

“But he's really a good actor.

“Ano, hindi ko sila ia-out.

“Ayoko yung ginawa sa akin ni Keanna [Reeves] na hindi ako ready na nabigla ako, bigla akong in-out.

“Siyempre kumikita pa sila, di ba?

“Ayaw kong mag-out kung hindi pa sila ready at artista pa sila.

“Siyempre trabaho naman, profession naman.”

Ramdam naman daw niya ang mga aktor na 'berde' rin ang mga dugo.

“Oo naman, naamoy ko yun.

“Ako, out na ako, kahit paano ay nakahinga na nang malalim.”

NO MORE INDECENT PROPOSALS. Pero mula nang mag-out si Prince, wala na raw nagkakagusto sa kanya na mayayamang gays, hindi katulad noong isa pa siyang hunky aktor.

Kahit nga raw indecent proposals ay wala na siyang natatanggap ngayon.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Working Beks, “Dati, kasi dahil hunk-hunk nga ako.

“Ngayong out na ako, wala nang mga nanliligaw sa akin na mayayamang beks-beks.

“Oo, dati kasi nga, hunk level ako. I won't lie, marami talagang indecent proposals.

“Paminta [palalaki] pa rin naman ako, e, out nga lang.

“Na-confirm lang na out ako, pero lalaki pa rin ako magdamit.”

Kuwento pa ni Prince, “Alam niyo, sa FB [Facebook], wala nang babaeng nagmi-message sa akin, as in zero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noon, marami pa, parang nagdududa pa. ‘Totoo bang bakla ka?’

“Ngayon, wala na, 'Day. Lahat puro bakla, beks… ang ganda ko raw.

“Maganda ba ako?”

Pag-amin ng StarStruck alumnus, “Nakatikim ako ng babae noon—noong confused pa ako.

“Kumakain pa ako ng ano... oo, mamatay man ako, 'Day!”

Gusto ba niyang maging isang transwoman katulad ng ibang beki?

Tugon ni Prince, “Ay, ayoko, okey na akong ganito.

“Okey namang maging bakla, huwag mo lang...

“Para sa akin... pero no judgment din sa mga nagpagawa na.

“Siyempre choice nila yun.

“Parang ako, okey na akong lalaki pa ring magdamit, lalaki pa ring magsalita.

“Okey naman din yun, may mga friends ako na nagpaganun [sex change.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN