JaDine fans petition to oust Till I Met You bit player for bashing Nadine Lustre

IMAGE Noel Orsal

Nagagalit ang maraming fans nina James Reid at Nadine Lustre dahil sa pangba-bash ng isang extra sa aktres na hindi diumano marunong kumanta. Nagpetisyon na rin sila online upang tanggalin na sa Till I Met You ang naturang bit player.


Nagpupuyos sa galit ang ilang fans nina James Reid at Nadine Lustre—mas kilala sa tawag na JaDine—dahil sa pangba-bash ng isang nagngangalang Joed Medina sa Kapamilya actress.

Ayon sa fans na nagpaabot ng impormasyong ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Joed ay isang bit player o extra sa teleseryeng Till I Met You ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina James at Nadine.

Nag-post daw kasi Facebook at Twitter ang naturang extra sa TIMY na wala raw karapatang kumanta ang female lead ng show na si Nadine.

Ipinost ito ni Joed noong November 14, isang araw matapos ipalabas sa TV ang JaDine In Love concert ng reel- and real-life sweethearts.

Sabi ng bit player: “Pa lapel lapel pa si Nadine lumi LypSync lang naman.”

Burado na ang Facebook post na ito, ngunit may nakapag-screenshot nito at ipinadala sa PEP.


Dahil burado na nga ang naturang post, humingi ang PEP sa ilang JaDine fans ng screen shot ng diumano'y palitan ng mensahe ni Joed at ng kanyang Facebook friend, kung saan sinabi nitong gusto niyang sampalin si Nadine.

At ipinadala nila sa amin ang mga sumusunod:



Ikinagalit din ng fans nina James at Nadine ang pagiging maangas diumano ni Joed gayong baguhan pa lang ito.

"Kapitbahay" nga lang daw ang role nito sa Till I Met You.


By the way.. who's JOED MEDINA direk @andoyranay,@tonet_jadaone Again extra cast of timy...mmm JOED MEDINA pasalamat ka nagkaroon k ng pagkakataon magkaroon ng extra money bcoz of timy ...Dahan Dahan lng ang pagsasalita walang ginagawang masama sayo c nadine #timy #TillIMetYou #jamesreid Calling the attention of @viva_ent & @dreamscapeph!!! This man (ewan ko kung lalaki nga ba yan o binabae) who happens to be an extra talent in TIMY eh walang magandang sinasabi kay Nadine! Eh di ikaw na magaling koyah! Gustocguro nitong sumikat! Dapat nyong alisin yung mga ganitong tao kce nakakasira lang! He promote timy pero hater pala cia ni Nadine? ay sabi pla niya di daw cia hater ni Nadine nagsasabi lang daw cia ng totoo! KOYAH CLOSE KABA KAY NADINE? MULA PAGKABATA BA KILALA MO NA YUNG BATA PARA SIRASIRAAN MO NG GANYAN! KAKAHIGHBLOOD KA HA! #jadine #alisinanganaynasumisirasakahoy #TIMY #TIMYRealityCheck

A photo posted by -cass- (@hashtag_teamreal) on

Sa pamamagitan ng Twitter at Instagram, nanawagan ang JaDine fans sa mga direktor ng show na sina Antoinette Jadaone at Andoy Ranay na tanggalin na si Joed sa Till I Met You.

Ayon naman sa ABS-CBN publicist na si Eric John Salut, iniimbestigahan na ito ng pamunuan ng produksiyon.


Bukas ang PEP sa panig ni Joed Medina kaugnay ng isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN