Gabbi Garcia opens up about her true feelings for Ruru Madrid

IMAGE Noel Orsal

Gabbi Garcia says Ruru Madrid is not yet her boyfriend: However, she adds, "Lahat naman so far na mga traits na gusto ko sa guy, meron naman siya."


Nagpaliwanag si Gabbi Garcia tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng kanyang loveteam partner na si Ruru Madrid.

Ang tandem nilang GabRu ang isa sa mga tambalan sa bakuran ng GMA Network na unti-unting sumisikat.

Sa kasalukuyan, magkapareha ang dalawa sa primetime series na Encantadia, kung saan ginagampanan ni Gabbi ang role ni Sang're Alena habang ginagampanan naman ni Ruru ang papel ni Ybarro.

REAL STATUS. Paglalarawan ni Gabbi sa kapareha, “Si Ruru kasi very gentleman.

"So, pag may sinabi siyang bagay, sasabihin niya sa mga magulang ko, like, kung gusto ba niyang manligaw.

"My parents will know it first."

Pero hindi pa naman daw nagpapaalam si Ruru sa mga magulang ni Gabbi na manliligaw siya.

“So, for now, wala naman siyang sinasabi.

“Siguro sa ngayon, sobrang close kami.

"Halos every day magkasama kami, because Mondays, Tuesdays, Wednesdays, Fridays, [taping for] Encantadia. Saturday-Sunday, taping ng Sunday Pinasaya.

"So, talagang close talaga.

“Di ko ide-deny na may extra care siya sa akin.

"Nakikita naman ng mga tao yun, pero hanggang dun muna."

Malinaw raw sa kanilang dalawa ni Ruru kung ano ang prayoridad nila.

Sabi ni Gabbi, “Okay naman. At least nakakasama ko siya sa work, we spend time with each other, so okay naman yun.”

Hindi ba niya nararamdaman kung gusto bang manligaw sa kanya ng leading man?

Paiwas na sagot ng dalaga, “Friends po [kami]. Ewan ko...

"Ang sagot dun [sa tanong], itanong niyo dapat sa kanya. Siya na lang [sumagot]."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabbi sa press conference para sa kanyang 18th birthday sa December.

Ginanap ang presscon ngayong Huwebes, November 17.

REAL FEELINGS FOR RURU. Inusisa naman ng PEP kung ano ang tunay na nararamdaman ni Gabbi para kay Ruru.

Pahayag niya, “Thankful ako na may nag-aalaga [sa akin].

"Parang, ito pala ang feeling ng may nag-aalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba kasi ang alaga ng parents, iba yung alaga ng sister.

“Ito pala yung feeling na maalagaan ng isang Ruru.”

Pagdating naman sa katangian na gusto niya sa magiging boyfriend, ani Gabbi, "Lahat naman so far na mga traits na gusto ko sa guy, meron naman siya."

May kasunduan ba sila ng kanyang mga magulang ngayong magde-debut na siya, na papayagan na siyang magkaroon ng boyfriend?

Aniya, “Basta ang deal namin ng parents ko is you have to establish yourself.

"You have to prioritize things, like your career, your school.

"I have graduated from high school last year so I haven’t entered college yet.

"So, I think I have so many things to do before that [relationship]."

BIRTHDAY GIFT. Samantala, sinabi ni Gabbi na ang gagawing engrandeng debut niya sa December ang pinaka-birthday gift niya sa sarili.

“Nag-exceed pa dun sa pinapangarap kong debut.

“Pangarap ko talaga siya, so having a debut itself na talagang yun yung pinaghirapan ko, personally, yung mismong debut, dun ko nakita na eto na pala yung nagagawa ko sa 18 years ko.

“Kaya ko na palang magpa-debut with the help of others.

"Pero lately, all of my current success and hard work, yun ang regalo ko sa sarili ko."

May mga pangalan ang makakatulong ni Gabbi sa kanyang debut party; gaya ni Mark Bumgarner, na nag-design ng isusuot niya gown, at si Jason Magbanua ang kanyang pagiging photographer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN