Till I Met You bit player stands by statement against Nadine Lustre

IMAGE Arniel C. Serato

Matapos makuyog ng JaDine fans nina James Reid at Nadine Lustre, nag-deactivate na ng kanyang Facebook account ang bit player na si Joed Medina na nag-akusang hindi raw marunong kumanta si Nadine at nagli-lip sync lamang.


Pinanindigan ni Joed Medina, isang bit player sa ABS-CBN primetime series na Till I Met You (TIMY) ng ABS-CBN, ang kanyang post tungkol sa female lead ng teleserye na si Nadine Lustre.

Sa pamamagitan ng Facebook messaging, hiningan ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joed—na gumaganap bilang kapitbahay sa TIMY—tungkol sa petisyon ng JaDine fans na tanggalin siya sa teleserye dahil sa post niya tungkol kay Nadine.

Matatandaang sa post ni Joed sa Facebook at Twitter noong November 14, sinabi nitong nagli-lip sync lang daw si Nadine at hindi naman nakakanta talaga, kaya dapat daw hindi na siya gumagamit ng lapel.

Ito ay kaugnay ng JaDine In Love concert na ipinalabas sa ABS-CBN noong Linggo, November 13.

Dahil sa kanyang post, labis na nagalit ang fans nina James Reid at Nadine na mas kilala sa tawag na JaDine.

Dahil dito, nagpetisyon sa social media ang JaDine fans na tanggalin na sa show si Joed.

Iniimbestigahan na rin daw ng pamunuan ng Till I Met You ang naturang insidente, ayon sa publicist ng ABS-CBN na si Eric John Salut.

Read: JaDine fans petition to oust Till I Met You bit player for bashing Nadine Lustre

Ngayong araw, November 18, nagpadala ng pahayag si Joed sa PEP tungkol sa kanyang post.

Nilinaw niyang walang kinalaman ang Kapamilya actress na si Julia Barretto sa naging post niya tungkol kay Nadine, taliwas sa espekulasyon ng JaDine fans.

Pahayag ni Joed, “Gusto ko lang po i-clear na wala pong kinalaman si Julia Barretto at fans po ni JB sa ginawa ko po about Nadine.

"Kasi po sinasabi nila na dahil fan ako ni Julia Barretto, binayaran daw po ako ng JB Fans para i-bash si Nadine.

“Kini-clear ko po na wala pong kinalaman ang fans ni JB sa ginawa ko pong post about kay Nadine…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasabi ko lang po yung post ko dahil dala lang po ng nararamdaman.

"Yun lamang po, maraming salamat."

Nilinaw namin sa naturang bit player kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang sinabing “dala ng nararamdaman.”

Tugon nito, “Kasi po sa set, I try to approach her always, pero di po ako pinapansin.

"Tapos, ayun po, then dami nga daw po nagsasabi na di daw po approachable si Nadine.

"Pero di naman po ako naniwala nung una, pero nung naranasan ko po, parang naniwala na po ako sa kanila."

Sa ngayon, matapos magbigay ng kanyang pahayag sa PEP, dini-activate na ni Joed ang kanyang Facebook.

Nag-private na rin siya sa kanyang account sa Twitter at Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN