VP Leni Robredo, politicians denounce burial of Marcos ahead of judicial process

IMAGE File

Vice President Leni Robredo condemns the burial of former President Ferdinand Marcos in Libingan ng mga Bayani today. "He is no hero. If he were, obviously his family would not have to hide his burial like a shameful criminal deed," she said in an official statement. 


Kinondena ng ilang pulitiko ang ginawang biglaang paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, ngayong Biyernes, November 18.

Sa pamamagitan ng official statement, interview, at social media posts, naglabas ng kanilang saloobin sina Vice President Leni Robredo, Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Bam Aquino; at maging sina Ces Drilon at Jim Paredes na hindi pumapabor sa paglilibing sa dating diktador sa Libingan ng mga Bayani.

THE ADMINISTRATION IS AWARE. Ayon sa ulat ng CNN Philippines ngayong Biyernes, alam daw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglilibing kay Marcos na naka-schedule ng ika-12 ng tanghali ngayong araw.

Tanging request umano ng Pangulo ay maging “safe at peaceful” ang nasabing paglibing.

Kasalukuyang nasa Lima, Peru, si Pangulong Duterte para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Sinabi naman ni Philippine National Police Chief Director Ronald 'Bato' dela Rosa na nakahanda ang kapulisan kung sakaling dumagsa ang mga anti-Marcos, pero hindi papayagang makalapit sa Libingan ng mga Bayani.

Sinabi rin sa ulat na tatlong helicopters ang lalapag sa sementeryo sakay ang mga labi ni Marcos at ang pamilya nito.

Matipid ang mga pahayag ni PNP Chief Dela Rosa, pero sinabi nitong nalaman niya ang gaganaping paglilibing kahapon lamang, November 17.

Nabanggit naman sa ulat na inakala raw ng marami na rehearsal pa lamang ang magaganap at hindi ang aktuwal na paglilibing.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si former Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na ikinagulat ang pangyayari, dahil tila "binalasubas" ng mga Marcos ang desisyon ng Supreme Court dahil hindi pa ito final at executory.

Balak pa kasi ng mga anti-Marcos na isulong ang motion for reconsideration sa naunang desisyon ng Korte Suprema na payagang mailibing ang mga labi ni Marcos sa Libaingan ng mga Bayani.

MARCOS NOT A HERO. Samantala, sa social media ay nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang mga pulitiko sa biglaang pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani ngayong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naglabas ng kanyang official statement si VP Leni Robredo hinggil sa pangyayari.

Simula ng kanyang pahayag, “Like a thief in the night, the Marcos family deliberately hid the information of burying former President Marcos today from the Filipino people.”

Sinabi pa niya na nakakabahala na nangyari ito sa pakikipagtulungan ng Armed Forces of the Philippines at PNP “demonstating further that the judicial process has been thoroughly disregarded.”

Matapang din ang mga sumunod na pahayag ni VP Leni:

“Once again, we strongly condemn the burial of the former dictator in the Libingan ng mga Bayani.

“As stated in the several decision from the Supreme Court, Ferdinand Marcos was a thief, a murderer and a dictator.

“He is no hero. If he were, obviously his family would not have to hide his burial like a shameful criminal deed.”


Sunud-sunod naman ang pagtu-tweet at paglalabas ng kanilang official statement ng ilan pang kilalang personalidad upang kondenahin ang paglilibing sa dating diktador sa Libingan ng mga Bayani ngayong araw.

Si dating Ferdinand Marcos ay naging presidente ng Pilipinas sa loob ng 20 taon, mula 1965 hanggang 1986.
Napatalsik siya sa Malacañang noong 1986 dahil sa makasaysayang People Power Revolution.
Namatay siya noong September 28, 1989 habang nasa exile sa Hawaii.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN