Sanya Lopez, Jak Roberto, Hiro Peralta memorialize Kuya Germs via Christmas tradition

IMAGE Noel Orsal (Hiro & Jak) / Mikay Emelo (Sanya)

Hiro Peralta, Sanya Lopez, and Jak Roberto acknowledge they owe their rise in showbiz to their mentor and father-figure German Moreno. The three young GMA stars demonstrated their gratitude to Kuya Germs by leading the recent Christmas-tree lighting ceremony in Greenhills, an annual tradition started by the Master Showman.


Sumakabilang-buhay man si German “Kuya Germs” Moreno, itinuloy pa rin ng mga taong nagmamahal sa kanya ang taunang Christmas tree-lighting tradition na inumpisahan nito sa Greenhills tuwing papalapit na ang buwan ng Disyembre.

Sina Sanya Lopez, Jak Roberto, at Hiro Peralta ang nanguna sa Christmas-tree lighting noong November 15 sa Promenada, Greenhills.

Kabilang sila sa mga alaga ng yumaong TV host-comedian sa programa nito noon sa GMA Network na Walang Tulugan with the Master Showman

Kahit festive ang kapaligiran, may bahid ng lungkot pa rin sa mga mata nina Sanya, Jak, at Hiro dahil ito ang unang Pasko na hindi nila makakapiling ang kanilang tatay-tatayan sa showbiz.

Pumanaw si Kuya Germs noong January 8, 2016.

Maluha-luhang pahayag ni Sanya, “The past two years, kasama ako ni Kuya Germs dito.

“Ngayon na wala na siya, nakaka-sad, nakakaiyak na Christmas lighting na ulit.

“Pero I’m sure happy si Tatay na nandito kami.”

SUCCESSFUL WARDS. Kilala na ngayon si Sanya bilang si Sang’gre Danaya sa Kapuso telefantasya na Encantadia.

Malaking bahagi raw si Kuya Germs sa magandang takbo ng kanyang career.

Saad ni Sanya, “Para kay Kuya Germs talaga ‘to, lahat kaya naming gawin basta para kay Tatay.

“Siya yung unang nagbukas ng pinto sa amin sa showbiz, siya yung unang nagmahal sa ‘min.”

Si Jak naman ay marami raw natutunang magagandang bagay mula kay Kuya Germs.

Ayon sa 'Pambansang Abs,' nanghihinayang siyang hindi nasilayan ng kanyang itinuturing na pangalawang ama ang pagbango ng career niya.

Isa si Jak sa in-demand hunks ngayon ng Kapuso network at napapanood siya sa mga programang Dear Uge at Bubble Gang.

Aniya, “Hindi na inabutan ‘to ni Kuya Germs; si Sanya, nasa Encantadia, at ako, may regular shows.

“Nung nawala si Tatay, hindi pa ganito yung takbo ng career naming pareho.

“Lagi naming sinasabi na sana nandito siya.

“Sure kami magiging happy siya sa itinatakbo ng career namin ngayon dahil dun kami na-build sa Walang Tulugan.”

Si Hiro naman, na segment host ngayon ng Unang Hirit, ay isa sa young stars na bini-build up na leading man sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw siya nawawala sa taunang Christmas tradisyon na ito bilang pasasalamat sa paniniwala ni Kaya Germs sa kanya.

Sabi ni Hiro, “It’s really important for me to be here… I’ve done this twice before, pero si Tatay, lagi talaga.

“Ever since nag-start ako sa showbiz six years ago, ginagawa niya na ‘to.

“The thought of him still lingers, so doing this, maiisip mo pa rin siya kaya parang we feel like kasama pa rin namin siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN